Alden hindi umubra ang gandang lalaki sa PBB at Starstruck

0
77

BAGO naging sikat na Alden Richards ang Kapuso actor ang dami niyang naranasang rejection as an actor.

Sinubukan daw niyang mag-audition sa Pinoy Big Brother Teen Clash, pero hindi siya pinalad na makapasok. Nu’g time na yun ay si James Reid ang naging grand winner.

Nag-try din siya sa StarStruck, pero ni-reject din.

Kaya ang masasabi namin ay hindi umubra ang ganda niyang lalaki sa mga reality shows.

2010 ng medyo nasurvive niya ang struggling career as a newbie actor.

Nabigyan siya ng mga supporting roles sa teleserye ng Kapuso Network.
Ipinareha rin si Alden sa mga A-list actress ng Kapuso.

Hanggang nagkaroon si Alden ng instant loveteam si YayaDub (Maine Mendoza).

Sa segment ng Eat Bulaga nagtagpo ang landas nina Alden at Maine.

Nagkaroon sila ng YayaSerye, isa sa kinagigiliwang segment noon ng EB.

Nag-click ang dalawa at naging phenomenal loveteam via AlDub Nation.

Sa YayaSerye na nagtuluy-tuloy ang magandang career ni Alden.

Dumami ang kanyang commercial kung saan nagpapaligsahan nga sila ni Maine noon ng mga commercial na ini-endorso.

Katunayan ang kanilang labtim ang sumira sa mga loveteam na KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil), among others loveteam sa showbiz.

Nang nag-collab ang Kapuso at Kapamilya ng kani-kanilang artists via Kathryn at Alden doon naipakita nang husto ng actor ang kanyang talent sa pag-arte.

Record-smashing gross ang pelikula nila ni Kath nu’ng 2019 ang kanilang Hello, Love, Goodbye.

Sa pelikula ring ito nagkaroon ng acting award ang Kapuso actor.

So far ay nasa isang dekada na ang showbiz career ni Alden. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here