Alex, mas malaki ang suweldo kaysa sa mga kasamahan sa ‘LOL’

0
46

ISA sa main host ng “Lunch Out Loud” si Alex Gonzaga na napapanood sa TV5.

Sa segment ng LOL na Lie Detector Challenge, tinanong si Alex kung mataas ba ang sweldo na in-offer sa kanya kaya siya umalis sa ABS-CBN?

Dinenay ito ng TV host-vlogger.

Aniya: Tinanggap ko ang LOL dahil mahal ko ang mga ka-trabaho ko dito on and off cam.

Ang mga co-host sa LOL ay sina Billy Crawford. Bayani Agbayani, Wacky Kiray, K Brosas at KC Montero.

Minsan nang nabanggit ni Alex na mas mataas pa ang nakukuha niyang salary as a vlogger kesa sa pagiging TV host-actress.

Umaabot daw sa six-digit amount ang kanyang monthly compensation sa YouTube.

Ang kinikita ni Alex sa pagba-vlog ay napupunta sa foundation –mga batang pinag-aaral mula sa mababang grado hanggang sa kolehiyo.

Nasa 9 million subscribers na ang kanyang YouTube Channel. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here