Aljur pro-franchise kaya ’di naririnig ang boses

0
95

ISA rin si Aljur Abrenica na tinatanong ng mga netizens kung bakit hindi naririnig ang boses o hindi raw sumusuporta sa ABS-CBN shutdown.

Sa panayam kay Aljur, sinabi niyang kaya hindi raw siya masyadong vocal sa pagsasalita hinggil sa ‘pagpatay’ ng kongreso sa ABS-CBN dahil pro-franchise siya.

’Di raw siya katulad ng kanyang kapatid na si Vin Abrenica na hayagan ang pagsuporta sa kanilang home studio.

Eksplika ng mister ni Kylie Padilla, “Hindi naman sa hindi ako vocal. Actually, pro-franchise po ako.”

Hindi naman niya itinatanggi na maraming naitulong ang kanyang mother network.

“Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight. Matagal na yung nangyayari. I don’t know the details… Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, yung behind camera, so I’m really looking forward…

“How I see this scenario is the opportunity talaga to cleanse, and the opportunity to get better as a network…”

Patuloy pa ni Aljur, “Every case naman na ganito, may opportunity to make everything better. Yun na lang ang tinitingnan ko.

“Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako, pero it’s beyond me. May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise.”

Dating Kapuso actor si Aljur bago siya napunta sa ABS-CBN.

May nagtanong sa actor, kung babalik daw ba siya sa unang network na pinagmulan dahil nagsara na ang Kapamilya network.

Walang tuwirang sagot ang actor, but if ever daw ay open naman daw siya doon.

Pero sa ngayon ang focus daw niya ay ang family at ang security nila. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here