Home National News Ama, 2 anak patay sa sinunog na bahay sa Cavite

Ama, 2 anak patay sa sinunog na bahay sa Cavite

1092
0
SHARE

GENERAL TRIAS, Cavite — Patay ang isang ama kasama ang dalawang anak matapos sadyain ng ama na sunugin ang tinitirahang bahay dahil sa matinding selos nang tumangging makipagtalik ang live-in partner nito noong Martes ng madaling araw sa San Francisco, sa nasabing bayan.

Base sa ulat, kinilala ang ama na si Germil Manaog, 46-anyos, habang ang dalawang anak ay sina Gerymilee, 2 at Germaya Kent, 1, at ang kinakakasama nito ay nakilalang si Clarita Boca De Vega, 37, pawang mga residente ng Phase 2, Blk 61, Lot 21, Parklane Subdivision, San Francisco, General Trias, Cavite na agad tumakas ng makitang nasusunog ang bahay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang General Trias City Police Station galing sa Community Police Action Center o (COMPAC) tungkol sa nagaganap umanong sunog sa naturang lugar kaya agad itong nirespondehan.

Nabatid na bago ang insidente, dakong alas-2 ng madaling araw ng ikandado ang tinitirahang bahay at sadyang sinunog ng ama kasama ang dalawang bata dala ng matinding selos sa kinakasama.

Narekober ang mga katawan ng biktima ng ideklarang fire out na ang sunog dakong 3:15 ng umaga at dinala na sa Herald Funeral Homes. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleGabbi Garcia denial sa paglipat ng network
Next articleNCRPO Chief Albayalde ang bagong Chief PNP
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here