Home Top Story Amerikano nanuntok ng pulis sa Angeles, arestado!

Amerikano nanuntok ng pulis sa Angeles, arestado!

1044
0
SHARE

ANGELES CITY, Pampanga — Arestado ang isang American national matapos nitong suntukin ang isang pulis sa loob mismo ng Presinto 4 sa Angeles City, Pampanga nitong Biyernes (Jan. 24).

Sa CCTV video makikita na kinakausap ng pulis ang isang banyaga at ilang sandali pa ay biglang sinuntok ng dayuhan ang nakatayong pulis.

Nakilala ang banyaga na si David Kumar Agarwal naka check-in sa isang hotel sa Angeles City habang ang pulis na sinuntok ay kinilalang si P/Capt. Elmer Rivera ng naturang istasyon.

Ayon kay P/Maj. Aris Gonzales, ang hepe ng Police Station 4, humihingi umano ng police assistance ang nasabing banyaga.

At nang sabihin nila na ire-refer nila sa barangay ang reklamo nito ay dito na nagalit ang banyaga, nagmura at dinuro ang pulis.

Habang pinapaliwanagan ng isang opisyal ang dayuhan ay bigla na lamang nanuntok ito ng pulis.

Dito na agad na inaresto ang banyaga at kinulong at nahaharap ngayon sa kasong Direct Assault at Alarm and Scandal.

Ayon naman sa suspek, maglalagak siya ng reklamo laban sa pinuntahan niyang bar kaya siya nagpunta sa istasyon ng pulis.

Nagkaroon lamang aniya ng misunderstanding sa pagitan nila ng pulis at humihingi siya ng paumanhin sa insidente. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here