Home Taklesa ‘Amnesia,’ madalas na sakit ng mga politiko

‘Amnesia,’ madalas na sakit ng mga politiko

410
0
SHARE

AMNESIA ayon sa Wikipedia is a deficit in memory caused by brain damage, disease, or psychological trauma. Amnesia can also be caused temporarily by the use of various sedatives and hypnotic drugs.

’Yan po mga ka-Taklesa ang literal na kahulugan ng salitang “amnesia”. Pero sa ibang kahulugan,  ito ang karaniwang nagiging sakit ng ilang politiko makaraan ng eleksyon lalo’t higit pa kapag nagwagi ang mga ito sa halalan.

Karamihan sa mga politiko ay lumalapit sa mga grupo, ngo, at mga mamamahayag, na alam nilang matutulungan sila pagdating ng eleksyon. Ipinapangako ang ang lahat sa isang kondisyon na iboboto sila sa halalan.

Mga politikong madaling makalimot pero magaling mangako, pero nagkaka-amnesia maka­raang matulungan na mag­wagi sa eleksyon.

Mga politikong hindi marunong tumanaw ng utang na loob ’ika nga ng iba.

At asahan na nating muli na namang itong mauulit sa susunod na taon dahil sa nalalapit na ang eleksyon sa  2019.

Marami nang mga politiko sa kasalukuyan na wala nang inaatupag kundi ang mangampanya. Naniniguro na silang magwawagi sa eleksyon sa 2019.

Araw-araw na nag-iikot sa mga nasasakupang lugar na ultimo kasuluk-sulukan ay dinarayo.

Ibinibigay ang lahat na kayang ibigay pero kapag nagwagi na sa eleksyon, makakalimutan ng dala­win o kumustahin at iha­tid ang serbisyong ipinangako.

Iyan ang mga politikong may amnesia at sa totoo lang po ay mabibilang na lang ng ating mga daliri ang mga politikong hindi nag­kakasakit nito.

Mag-iingat po tayo mga ka-Taklesa sa mga ganitong klaseng politiko.

Huwag padadala sa kanilang mga ipinapangako. Huwag padadala sa ganda ng mga pananalita dahil sa totoo lang wala namang laman ang mga sinasabi nila. Hangad lang nila ay makuha ang ating mga boto sa darating na 2019 elections.

Haisst…, patapos pa lang ang 2017 at malayo pa ang 2018 pero nangangampanya na para maluklok sa mas matatas na posisyon. Inuna pa ang mga  sariling “ambisyon” kaysa magtrabaho at gawin ang serbisyong nararapat.

Ito ba ang mga klase ng politiko na nais nating mamuno. Kundi may sakit na amnesia, sobra naman ang ambisyon.

Tandaan natin mga ka-Taklesa na hindi sapat ang ekspiryensya. Kailangan nating sahugan ito ng tamang kaalaman at tapat sa pusong paglilingkod para maging isang mahusay na pinuno.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news

Babu!

(Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350).

 

SHARE
Previous articleBLESSING AND INAUGURATION OF NEW MALOLOS CITY POLICE STATION
Next article7TH MAYOR CHRISTIAN D. NATIVIDAD CUP Inter-Office Sports Festival 2017
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here