Home National News Anak ng actor/comedian, ‘timbog’ sa damo sa QC

Anak ng actor/comedian, ‘timbog’ sa damo sa QC

85
0
SHARE

QUEZON CITY — Nadakip ng mga operatiba ng naturang lungsod ang anak ng isang kilalang actor/comedian at dalawang kasama nito sa isinagawang­ buy-bust operation sa Brgy. Pag-asa nu’ng Huwebes (Aug. 9) ng gabi.

Base sa report kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga suspek na sina Michael Clarion, alyas “Kelo”, anak ng actor/comedian na si Dinky Doo Jr.; Junard Salas at Jerome Lorenzo, pawang residente ng Palawan St., Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Ang tatlo ay nadakip dakong alas-10:30 nang gabi sa Road 8, Brgy. Pag-asa, sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang halos isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P95,000, drug pharaphernalia at buy-bust money.

Ayon sa report matagal na nilang sinusubaybayan ang kilos ng mga suspek makaraang matukoy na sila ang nagtutulak ng marijuana at bawal na droga kaya isinagawa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD Station 4 habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Source: abante.com.ph

SHARE
Previous articlePDEA kulang sa koordinasyon sa P7 bilyong shabu — BOC
Next articleNgitngit ng ‘habagat’ mananalasa hanggang Miyerkules
Team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multi media press centers are active nowadays. The people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern news agency whose products include newsfeeds, websites, and social networking and it is entitle RONDA Balita, Online Pahayagan ng Masang Intelihente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here