Home Showbiz ANEURYSM ANG DAHILAN NG PAG-COMATOSE NI ISABEL GRANADA

ANEURYSM ANG DAHILAN NG PAG-COMATOSE NI ISABEL GRANADA

801
0
SHARE

Prayer Healing kailangan ng pamilya ng singer-actress

ANEURYSM ANG DAHILAN NG PAG-COMATOSE NI ISABEL GRANADA

SHOCK ang mga taga-showbiz nang mabalitaan na under comatose ang actress-singer na si Isabel Granada. Na-coma si Isabel after niyang mag-collapse na nangyari sa Doha, Qatar nu’ng Martes, October 24. 41 years ang singer-actress at aneurysm kaya raw ito nag-collapse.

Naka-post sa facebook ng kaibigan ni Isabel na si Bianca Lapus ang nangyari nu’ng Wednesday ng medaling-araw kung saan maraming celebrities ang nagulat. Nasa Qatar si Isabel dahil naimbitahan siya bilang celebrity speaker sa Philippine Trade Tourism Conference na ginanap nu’ng Oct. 20 sa Shangri-la Doha.

Kritikal ang kondisyon niya kaya humihingi si Bianca at ang mister nitong si Arnel Principe-Cowley ng healing prayer para sa mabilisang paggaling ng singer-actress.Ginanap ang event sa Shangri-La Doha noong October 20, Biyernes.

Sa Heart Hospital Hamad Medical Corp. sa Qatar naka-confine si Isabel na HGH (Hamad General Hospital) na ngayon. Ayon pa sa info ni Bianca, “massive internal bleeding in the head. Aneurysm.”

Ayon sa www.heart.org., “An aneurysm occurs when part of an artery wall weakens, allowing it to widen abnormally or balloon out. The causes of aneurysms are sometimes unknown. Some may be congenital, meaning a person is born with them. An aneurysm may also occur as the result of aortic disease or an injury.”

Samu’t-saring balita na ang lumalabas sa tunay na kalagayan ni Isa kaya naman nagsalita na ang kanyang asawa. Ang iba kasi ay ibinabalitang ‘patay’ na raw ang kanyang asawa na siya niyang ikinalulungkot.

Sa official statement ng mister ni Isa na nasa FB page ng nagngangalang Joseph Rivera: “To all family and friends, please pray for my wife Isabel Granada who is in ICU at Doha Qatar in a critical condition. She suffered from a brain hemorrhage which indicates aneurysm and in turn affected her heart. She collapsed suddenly without warning yesterday afternoon and is still not responding. I have released this statement to end inaccurate speculations during this hard time for myself and the rest of the family and I would also like to thank the people that’s supporting me here in Doha.”

Pinabulaanan rin ni Arnel sa kanyang na mali ang balitang pumanaw na ang kanyang asawa. Aniya: “To the news that says my wife Isabel Granada has passed is incorrect! Please respect our privacy and please do not make speculations or misinform the public.”

Samantala, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “Extensive Subarachnoid Hemorrhage” ang exact diagnosis ng mga doktor sa kundisyon ni Isabel.

Ayon sa www.medicalnewstoday.com, “subarachnoid hemorrhage is when blood leaks into the space between two of the membranes that surround the brain. It is usually caused by a ruptured aneurysm. It can cause a stroke, and it is fatal in 50 percent of cases.”

Nagdiwang rin pala ng wedding anniversary sina Arnel at Isabel sa Doha, Qatar. Pawang magaganda at sweet messages ang ipinost niya sa kanyang Instagram account hinggil sa pagmamahalan nila ng mag-asawa bago siya na-comatose.

Samantala, maraming celebrities ang nagdarasal sa kalagayan ni Isa. Lahat sila ay nagdarasal sa fast recovery ng kapatid nila sa industry.

 

SHARE
Previous articleMPTC releases NLEX, SCTEX and CAVITEX advisories
Next articleDOLE, PGB distribute livelihood starter kits, inaugurate training center
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here