Home Showbiz Ang bakla at bakla — Mother Ricky

Ang bakla at bakla — Mother Ricky

28
0
SHARE

VIRAL ngayon socmed si Mother Ricky Reyes dahil sa kanyang komento hinggil sa SOGIE.

Nakadaupang palad namin ang butihing hairdresser at nahingan ng komento tungkol sa isinusulong na batas ng LBTQ community.

Sinalungat ni Mother Ricky ang komento ni Vice Ganda sa sinabi ni Senate President Sen. Tito Sotto “once na ipinanganak kang lalaki, hindi ka pwedeng maging babae kailanman at hindi pedeng manganak” something like that.

Matatandaang idinaan ni Vice sa pamimilosopo ang kanyang komento.

Pero si Mother Ricky iba ang komento.

“Let it be nalang… ang bakla ay bakla… gilingin mo man yan paglabas niyan ay baklang hamburger.”

Dugtong pa niya, “Tigilan na yang kabaklaan… wag na kayong magbistida sa kalye kasi lalo tayong pagtatawanan ng mga tao… dapat magtulong nalang tayo sa kapwa para mahalin tayo ng tao.”

“Lagi kong sinasabi, ang bakla walang makakaintindi kundi kapwa bakla lang,” sambit pa niia.

Anyway, nakausap namin si Mother Ricky last Sunday, Sept. 9 sa Child Haus. Ang organisasyong kanyang binuo 16 years ago.

Masayang kinuwento ni Mother Ricky, na magse-celebrate na sila ng 16th anniversary.

Nadalawa kami sa Child Haus para rin bisitahin ang kapatid namin sa panulat at kasamahan sa PMPC (Philippine Movie Press Club) na si Manay Leti Celi.

Kung tutuusin ang Child Haus ay para lang sa mga batang may malubhang sakit, pero dahil sa pagmamahal ni Mother Ricky sa PMPC ay kanyang tinulungan si Manay Leti.

Natutuwa naman kami dahil nadatnan naming sa Child Haus si Manay na masaya at masiglang-masigla na. Unlike daw talaga noong dinala siya na halos parang wala na raw talagang pag-asang mabuhay.

Kaya naman ang PMPC ay buong pusong nagpapasalamat sa philanthropist sa pagkandili niya sa aming kasamahan.

Ang Child Haus ay tinatag ni Mother Ricky para sa mga batang may sakit na mula pa sa iba’t ibang malalayong probinsya.

Ani Mother, “Ang tahanang ito ay para sa kanila. Kasi nakikita ko na wala silang matutuluyan kapag nagpapagamot sa PGH (Philippine General Hospital).”

Pinasasalamatan din ni Mother Ricky si Mr. Henry Sy (rip) dahil siya ang nagbigay ng permanenteng masisilungan ng mga batang cancer patients.

Malugod na inaanyayahan ni Mother Ricky ang mga gustong makisaya sa ika-16 anibersaryo ng Child Haus na gaganapin sa Sept. 15, Child Haus, Agoncillo St., Ermita. Manila mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBaron Geisler, hindi inaalis sa ‘Ang Probinsyano’
Next articleMarian Rivera ayaw tularan si Anne Curtis
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here