Home EXTRAFONTS Ang bayan ng Bigaa na Balagtas na ngayon

Ang bayan ng Bigaa na Balagtas na ngayon

209
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

GINUNITA nitong Abril 2, 2018 ang Araw ni Balagtas, dahil sa bayang ito (Balagtas) sa baryo ng Panginay, isinilang ang Prinsipe ng mga Makatang Tagalog, si Francisco Baltazar.

Dahil isang henyong mambabalagtas si Francisco, isinudlong sa kanyang pangalan ang titulo na nagpatimyas sa kanyang pangalan — kaya naging Balagtas ang kanyang family name na Baltazar.

Ang bayaning si Kiko, ay kilalang kilala ng mga mag-aaral dahil sa kanyang kanyang mahabang tula na isinalibro, ang “Florante at Laura”. May isang tula si Florante na nakabibighani ang pagkakahanay ng mga taludtod tulad ng: “Siya si Selya kong sa aking lunggati, Binathalang himig ng aking kudyapi; Siya si Selya kong sa labi’y pandampi, sa uhaw ko’y bulang pamawi ng sidhi”.

Ang Selya na tinukoy sa tula ni Balagtas ay ang dalagang taga Pandacan, Maynila na si Maria Asuncion Rivera, isang mang-aawit at manunugtog ng alpa. Siya ang binanggit na Selya ni Balagtas, na nagpatibok sa puso ng makatang Bulakenyo.

Sa panahong ito ng millenials, bihira na tayong makarinig ng taong tumutula. Noong dekada otsenta, ang mga makata ng Bulacan Press Club ay hindi nakalilimot na bumigkas ng tula. Marami kasing makatang miyembro noon ang BPC tulad nina Pablito Lazaro, Virgilio Cruz, ang magkapatid na Victoria at si Gerry Borlongan.

Wala rin ang programang Oras ng Balagtasan, sa radyo kaya kung mayroong tao na bibigkas ng tula sa harap ng millenials ay tiyak na sila ay matutulala at baka sabihing: “Ano ba ang sinasalita ng taong ito?”

Hindi naman lahat ng makata ay bumibigas ng tula, tulad ng mga mambabalagtas. Mayroong makata na sumusulat ng tula na malayang taludturan. Tula na hindi binibigkas, kundi binabasa lang. Sila ang mga henyo sa larangan ng Panitikan.

Huwag namang igiit na ang mga rapper ay makata ng bagong panahon. Iba ang rap sa tula. Malaki ang pagkakaiba ng rapper sa poet. Ang bayan ng Bigaa ay ipinangalan kay Francisco Balagtas,noong taong 1966 sa pamamagitan ng panukalang batas na inakda ng yumaong Kongresista Teodulo C. Natividad, ang ama ng kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Malolos, si Mayor Christian D. Natividad, na nilagdaan ng noo’y pangulo ng bansa na si Ferdinand E. Marcos. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleComelec denies Pandi mayor’s ‘motion’ for his recall
Next articlePagkatapos ng plane crash, bus crash naman
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here