Ang epidemic kontra pandemic

0
875
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

KAPAG may lumalaganap na sakit, sa hayop man o sa tao ay hindi maiwasan na mabahala ang komunidad, lugar o bansa, na unang nalaganapan ng isang karamdaman. Tulad na lang nitong COVID-19 na unang nakilala bilang novel coronavirus na una ring lumitaw sa Wuhan City, na sakop ng probinsiya ng Hubei, sa China.

Dahil mabilis ang naging pagkalat ng nasabing virus, idineklara ng World Health Organization (WHO) na ang COVID 19 ay isa nang epidemya o epidemic. Tulad ngayon, nakatawid na ang naturang virus sa iba’t ibang bansa sa daigdig, kabilang na ang Pilipinas at kamakailan lang ay lumaki ang bilang ng mga taong apektado ng nasabing virus sa South Korea, kung saan umabot na sa mahigit sanlibong Koreano ang tinamaan ng naturang respiratory desease.

Habang sinusulat ko ang paksang ito ay iniulat na wala pa tayong mga kababayang OFW na nagtatrabaho sa SoKor, na naapektuhan ng coronavirus at sana nga ay wala ng Pilipino na mahawa sa naturang karamdaman. Dito sa Pilipinas ay patuloy na nakamonitor ang Department of Health sa mga kaganapan sa mga bansang apektado ng COVID 19.

Kamakailan lang ay naunang dumating sa ating bansa ang 30 Pilipino galing ng Wuhan, China kung sàan isinailalim sila sa 14 na araw na quarantine at natapos na ang palugit na ibinigay sa kanila. Kasunod niyon ay ang pagdating naman sa quarantine facility sa Capas, Tarlac ang may 445 Pilipino na pinasundo ng ating pamahalaan mula sa isang cruise ship na nakadaong sa isang pantalan sa Yokohama, Japan.

Ang mga Pilipinong nabanggit ay nagsimula nang sumailalim sa 14-day quarantine period. Matatandaan na matagal na natengga sa Diamond Princess cruise ship ang ating mga kababayan. May Pinoy na trabahante sa naturang barko ang nagpositibo sa COVID 19 na kasalukuyang ginagamot sa isang pagamutan sa Japan.

Kahit na mabilis ang paglaganap sa mundo ng naturang mikrobyo ay hindi pa rin itinuturing ng WHO, na pandemiko ang COVID 19. Bagama’t maraming bansa na ang apektado ng coronavirus na nabanggit ay hindi pa naman naman nangyari ang local transmission tulad dito da Pilipinas na sa tatlong tinamaan ng COVID 19 ay wala pang napaulat na nagkaroon ng pagkahawa sa mga na nakasalamuha ng tatlong pasyente. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here