Ang kahalagahan ng MRT Line 11 Station

0
292
Opinion Column ni Vic  Billones lll

ANO ang kahalagahan ng Metro Rail Transit o Mass Rapid Transit (MRT,) ito ang transportasyon na napaka- episyente sa pagkonsumo ng enerhiya, pag-okupar sa bilang ng mga sumasakay, mabilis at mainam na magamit ito sa mabilisang pagtutunguhan.

At kapag mabilis ang transportasyon ay mapapabuti ang daloy ng negosyo at kaginhawan ng pakiramdam sa mga gumagamit nito. Talagang malaking tulong sa Sambayanan.

Kaya natin nabanggit ito dahil nitong nakaraang ilang araw ay napag-alaman natin ang pakikipag-miting ng ilang Kawani ng Department of Transporation (DOTr,) kay Mayor Arthur Robes, ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) upang ipahayag at ipakita ang itatayong MRT Line 11 Station sa LSJDM.

Ang layon nito upang mailagay sa tama ang sasakyan na siyang magbibigay ng mabilis na tulong sa kilos ng mga tao, patungo sa kanilang pinapasukan sa mga karatig lungsod.

Tsk! Tsk! Tsk! Tulad ng ating naipahayag, na ang ganitong uri ng sasakyan ay simbolo ng kaunlaran. Dahil dito ay hindi na mahihirapan ang taumbayan na makipag-unahan at mag-hintay ng mahabang oras sa takbo ng biyahe.

Ika pa nga sa ulat, mababawasan ang mabagal na daloy ng trapiko. Ang tinaguriang ‘the rising City’ ay malapit ng madama ng lahat ng San Josenios, ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Robes. Mabuhay po kayong lahat sa LSJDM.


Pagpapahalaga sa mga sundalong ama

Nakatanggap tayong muli ng ulat mula kay Sr. Vic Ole ng Maria Teresa Colegio De Zambales, narito po: Tatayo ba ang isang tahanan kung wala itong haligi at pundasyon? Mabubuo ba ng isang pamilya kung wala ang isang ama? Ilan lamang ito sa mahahalagang papel na ginagampanan ng isang pinuno ng tahanan para sa kanyang pamilya.

Iba’t-iba man ang katangian at kapalaran ng mga tagapagtaguyod na ito ng tahanan, ay iisa pa rin ang pagturing at pagkilala natin sa kanila, ang “ama” ng tahanan. Kaya naman, buong puso at paghanga ang nais kong iparating sa mga naulila ng mga dakilang sundalo na nasawi sa Marawi.

Ito ay dahil sa pagkikipaglaban nila sa mga terorista at rebeldeng grupo na ibig maniya ang kapangyarihan sa ating bansa. Inialay ng mga sundalong ito ang kanilang buhay upang ipaglaban ang kapayapaan, laban sa mga manliligalig na ito, at proteksyunan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Matatag rin kayong haligi ng tahanan at matibay na balangkas ng ating pamayanan.

Sa payak kong kakayanan, sa pamamagitan ng abang mensaheng ito ay nais kong ipaabot ang aking buong simpatiya at paghanga sa kanilang ginawang kabayanihan.

Gayundin sa buong puwersa ng AFP, Marines, Phl. Airforce, Phl. Army, at sa mga kapulisan, ang aking pagsaludo. “Mabuhay ang inyong pagtalima at pagtupad sa inyong tungkulin sa ating bayan at happy father’s day sa inyong lahat!

Tsk! Tsk! Tsk! Magandang dakilain ang mga Sundalo at Pulis na handang magbuwis ng kanilang buhay, para lamang makamit natin ang kapayapaan at kaayusan ng ating lipunan.

Nakalulungkot lang kung makikita ninyo sa ‘you tube internet’ kung paano gilitan ng mga terorista ang ating mga sundalo.

Grabe! Dapat lamang na bigyan ng pagpupugay at lagiang alalahanin ang kanilang kabayanihan.

Mabuhay ang ating mga Sundalo at mga matitinong kagawad ng Philippine National Police. Salamat Sr. Vic Ole, hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

Previous articleNag-aanyayang beach resorts
Next article19 new Covid-19 cases reported in Bulacan
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here