Home Rebelasyon Ang Martial Law sa mata ng Sambayanang Pilipino 

Ang Martial Law sa mata ng Sambayanang Pilipino 

279
0
SHARE

(Katapusan)

SINASABING inutangan ni  Marcos ang mga dayuhang mangangalakal sa bansa  na umabot ng may 28 bilyong dolyar mula sa dating 2 bilyong dolyar simula nang siya ay maluklok bilang pa­ngulo noong 1965.

Hinirang niya at inatasan ang mga opisyal ng militar na pamahalaan at kontrolin ang ilang mga korporasyon at ang lahat ng mga pampublikong sangay ng pamahalaan, gayundin ang pahayagan, radyo at telebisyon.

Inalisan din ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya ng mga korte sa buong bansa, at ng sahod ng mga mamamayan ay nangalahati.

Noong 1977 ay hinatulan ng parusang kamatayan ng Military Court sa dating Senador Benigno Aquino, Jr. dahil nagkasala umano ito ng rebelyon sa liderato ni Marcos, subalit habang nakabilanggo si Aquino ay nagkaroon siya ng sakit sa puso, kayat napilitan si Marcos na payagan ang dating senador na ma­kalipad patungong Estados Unidos upang doon magpagamot.

Noong Pebrero 1981 ay dumating sa Pilipinas ang Papa ng Roma, kayat nakuha ni Marcos ang indorso ng simbahang Katoliko, na naging daan upang alisin niya sa bansa ang Martial Law noong 17 Enero 1981. Pero sa kabila nito ay patuloy pa ring ipinatutupad ni Marcos ang lahat ng mga kautusan at batas na nakapaloob sa Martial Law.

Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan si  Marcos ang nanalo para sa isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Subalit noong  Agosto 21, 1983 nang bumalik sa bansa si Aquino, ay pinaslang siya ng araw na ito sa paliparan ng Manila International Airport (MIA),  na kilala ngayon sa tawag na Ninoy Aquino Intenational Airport (NAIA) .

Isang komisyon ang binuo ni Marcos na siyang mag-iimbestiga sa nangyaring pagpaslang kay Aquino, at makalipas ang mahabang pagsisiyasat ay lumitaw na nagkaroon ito ng sabwatang militar kung saan ay idinawit sa pagpaslang kay Aquino si  dating Heneral Fabian Ver, pero pinawalang sala ito sa ginawang paglilitis dahilan sa sinasabing kawalan ng sapat na ebidensiya.

Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang biyuda na si Corazon Aquino, na labaaban si Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, sa isinagawang snap elections noong 1986, na sinasabing nagkaroon ng pandaraya ang kampo ni Marcos. Kaya ang mga nangyayaring kaguluhan at karahasan noon ay humantong sa tuluyang pagbibitiw sa tungkulin nina  Juan Ponce Enrile bilang DND Secretary at Heneral Fidel  V. Ramos bilang Military Chief of Staff

Ang kaguluhang dala ng sinasabing pandaraya sa isinagawang halalan ay nauwi sa pag-aaklas ng sambayanang Pilipino (People Power Revolution) laban sa administrasyon ni Marcos, na nilahukan ng humigit-kumulang sa tatlong milyong katao noong Pebrero 1986, dahil nawalan na ng tiwala ng mga mamamayang Pilipino  sa liderato ni Marcos.

Nang hindi na mapigil ang paghihihmagsok ng kalooban ng mga Pilipino at unti-unti na ring bumibitiw ng suporta kay Marcos ang marami sa kanyang mga kaalyado, ay napilitan si Marcos kasama ang pamilya na lisanin ang Pilipinas at magtungo sila sa Hawaii, Estados Unidos,  kung saan dito na namatay noog 1989 ang dating pangulo.

Sinasabing umabot ng mula sa limang bilyon hanggang sampung  bilyong dolyares ang natangay ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa loob ng may 20 taon niyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa. Pero ayon sa ilang mga ulat nasa apat na bilyong dolyar lamang ang nabawi ng Philippine Government kabilang ang may 684 milyong dolyar  na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.

 

SHARE
Previous articleGroundbreaking ng City College of San Jose del Monte, nalalapit na
Next articleKatotohanan sa Founding Years ng Bulacan
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here