Home Simple Lang Ang matibay at matatag na tambalan!

Ang matibay at matatag na tambalan!

59
0
SHARE

ANG matibay at matatag na kalagayan ng isang pamahalaan at maayos na  pamayanan ay nakikita sa patuloy na pag- usad ng isang magandang hinaharap mula sa kamay ng isang matapat na nanunungkulang lider na patuloy na nag-iisip ng mga plano na dapat pa nilang magawa para sa kanilang komunidad.

Ang magandang samahan at maayos na pagtutulungan nina Governor Willy Sy-Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando sa lahat ng mga programa at proyekto na kanilang inilalatag sa lalawigan ng Bulacan ay ilan lamang sa napakaraming mga dahilan kung bakit patuloy na pinagkakatiwalaan ng maraming mga  Bulakenyo ang mga katulad nilang lider na maaasahan ng mga mamamayang naghahanap ng mga tunay na mga lingkod-bayan.

Kaya nga masasabi nating mapalad ang Bulacan, dahil nagkaroon sila ng matapat na mga lider na katulad  nina  Gob Willy  at Vice Gob Daniel, na nagkakaisa sa layunin na matulungan ang mahihirap nilang mga mamamayan na nangangailangan ng kanilang serbisyo na nagsisilbi isang magandang halimbawa sa lahat para sa kapakinabangan ng lahat ng mga mamamayang Bulakenyo

Natatandaan ko pa na bago  naging Punong Lalawigan si Gob Willy ay naging alkalde muna siya sa bayan ng Hagunoy ng may siyam na taon, naging Congressman din siya ng first District ng tatlong termino (9 na taon), hanggang sa maging Vice Governor ng isang termino at ngayon ay nasa huling termino na ng paglilingkod bilang gobernador. Nagpapatunay lamang ito ng kanyang hindi matatawaran at walang kapagurang patuloy na paglilingkod sa mga mamamayang Bulakenyo.

Maging si Vice Governor Daniel Fernando, na kilalang personalidad sa larangan ng showbiz ay nasubukan na rin sa ginawa niyang paglilingkod sa mga kabataang Bulakenyo mula sa kanyang pagiging isang SK Chairman noon sa kanyang kabataan at pagkaraan ng ilang taon ay manalo naman siya bilang isang Provincial Board Member at makapaglingkpod ng may siyam na taon, hanggang sa marating niya ang ikalawang pinakamataas na baytang ng  serbisyo publiko sa buong lalawigan ng Bulacan bilang Vice Governor.

Sana ay magpatuloy pa ang magandang samahan na sinimulan nina Gob Willy at Vice Gob Daniel, dahil maraming mga Bulakenyo ang patuloy na umaasa sa kanilang maganda at maayos serbisyo sa mga Bulakenyo.

More power sa inyong dalawa. Wishing you both the very best in serving the people of  Bulacan.

GOD Bless sa inyong dalawa and more power…

 

SHARE
Previous articleGanito nga ba ang mukha ng pulitika sa bayan ni Mang Juan?
Next articleHindi lahat ng nakakulong ay may nagawang kasalanan
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here