Home Bayanihan ng Bayan YES FOR PEACE Ang pagprotesta ng mga makakaliwang grupo laban sa natitirang kapanalig nila sa...

Ang pagprotesta ng mga makakaliwang grupo laban sa natitirang kapanalig nila sa gobyerno, saan ito hahantong?

85
0
SHARE

NAKAGUGULAT ang kasalukuyang nangyayari sa harap ng Central Office ng Department of Education (DepEd). Daan-daang mga kababayan natin ang nagpoprotesta at nakahambalang sa Main Gate ng naturang kagawaran na pinamumunuan ng SALINLAHI (Alliance for Children’s Concerns). Nakaharang sila sa daraaan ng mga empleyado at bisita. Kinakailangan pang umikot ang mga ito para lang makapasok.

Kapuna-puna na karamihan sa kanila ay mga kabataan. Kabataang Lumad daw ngunit mukhang mga taga-Luzon.

Ipinoprotesta nila ang hindi daw pagpayag ni DepEd Secretary Leonor Magtolis – Briones na magtayo ng mga eskuwelahan para sa mga Lumad at mga Moro sa Mindanao.

Sa unang tingin, lehitimo naman ang kanilang kahilingan. Ano nga ba naman ang karapatan ni Secretary Briones na pagkaitan ng edukasyon ang ating mga katutubo?  Ngunit kung susuriin ang kanilang polyeto, hindi yun lang ang ipinoprotesta nila.

Ipinoprotesta nila ang patuloy daw na panghihimasok ng Estados Unidos sa panloob na mga suliranin ng Pilipinas! Mapapansin na hindi na nagbago ang sigaw ng mga makakaliwang mga grupo – Ibagsak ang rehimeng US-Marcos; US-Aquino; US-Ramos; US-Estrada; US-Arroyo; US-Aquino; at ngayon ay US-Duterte! Lahat na lang, isinisisi sa US sa kabila ng hayagang panghihimasok at pag-okupa ng mga Instik sa mga isla natin sa West Philippine Sea. Kahit minsan ay wala tayong nadinig na protesta laban dito mula sa kanila.

Mali daw ang ginawa ng militar sa Marawi City dahil libo-libo ang mga kababayan natin na nawalan ng tirahan at hanapbuhay. Totoo naman, maraming kinabukasan ang nasira ng katatapos lang na giyera sa Marawi bagaman at kapuna puna na suportado ng mga taga-Marawi mismo at karamihan ng mga kababayan natin ang naging tugon ng militar sa mga terorista grupong ISIS – Maute.

Ipinoprotesta nila ang banta ni President Rodrigo Roa Duterte na ideklara nang isang teroristang grupo ang New People’s Army. Hindi daw ito ang gusto ng mamamamayan at kabataan. Dapat daw ay itigil na ng military ang panghihimasok sa buhay ng mga Lumad. Anti-bata at anti-mamamayan daw ito.  Kontra kapayapaan daw ang mga ginagawa ng militar at pulis. Pumapatay daw ng mga mamamayan ang ating kasundauhan at kapulisan pero hindi nila binabanggit ang sunod-sunod na ambush na ginawa nila laban sa ating mga kapulisan. Karapatan nilang pumatay pero karapatan nilang hindi mapatay.

Ang nakakagulat ay nakabalandra ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) bilang isa sa mga organisasyon na nasa likod ng protesta. Ito ang grupong humarang sa Yes for Peace sa budget hearing ng DepEd dahil “leading” daw ang mga tanong natin. Ano kaya nag ginagawa nila, hindi ba “leading” din ang ginagawa nila? “Leading” na tama lang ang na ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan para sa kapayapaan sa pamamagitan ng marahas na mga pamamaraaan.

Bawal gabayan sa mapayapang pamamamaraan tungo sa kapayapaan ang mga kabataan pero pwedeng gabayan upang matuto at maniwalang kailangan ang dahas tungo sa hangad na kapayapaan.

Ibalik daw sa kanayunan ang mga kabataang Lumad at Moro pero sino ba ang nagdala sa mga kabataan ito para magprotesta dito sa Luzon? Hindi ba sila?

Ang nakakaiyak ay napakadaling hinarang at kinontra ng ACT ang Yes for Peace na naglalayon lang namang mapagkaisa na ang Samyabanang Filipino tungo sa landas ng Kapayapaan, Kaunlaran at Kasaganahan sa Kongreso pero hindi nila makumbinsi ang DepEd na magtayo ng mga iskuwelahan para sa ating mga katututubo?

Bakit? Ano ba ang mali sa ipinaglalaban nila? Ang pamamaraan nila na matagal nang isinusuka ng sambayanan na sinasabi nilang ipinaglalaban nila ang mga karaparatan. Kung hindi pa rin nila alam naggang ngayon, malamang ay hindi na nila maunawaaan kailanman.

Kung matanggal sa puwesto si Secretary Briones dahil sa napilitan itong itanggi ang Yes for Peace at hayagang salungatin ang panawagan ni President Duterte na aktibong makilahok ang mga mamamayan sa pagtahak ng landas tungo sa kapayapaan, sino pa ang matitirang mga kapanalig nila sa gobyerno? Hindi ba nila alam na sila mismo ang nagbibigay ng problema sa kapwa nila “progresibo” sa gobyerno?

Sana, magising na sila sa katotohanan na sila-sila na lang ang magkakakampi at hindi makakatulong sa kilusan nila ang pagpoprotesta nila laban sa mga kakampi nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here