Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Ang patuloy na problema sa illegal na droga, bow!

Ang patuloy na problema sa illegal na droga, bow!

53
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang mga nahuhuling mga adik o pusher ng ating mga kapulisan.

Alam na nga nilang mahigpit ang ginagawang kampanya ng ating pamahalaan laban sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot pero hayun, parang wala lang sa iba at mukhang sinusubukan talaga nila ang ating mga kapulisan at pati na rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa pagsama-sama ko sa mga isinasagawang buy-bust operation ng Candon-PNP, hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong makaramdam ng awa lalo na kung ang huhulihin ay may mga maliliit na anak na iyak nang iyak habang pinoposasan ang kanilang tatay o nanay. Iyan ang dahilan kung bakit kung minsan ay ayaw kong sumama dahil ayaw kong makaramdam ng bigat ng dibdib.

Ang totoo, doon ako sa mga user mas higit na naawa kaysa doon sa mga pusher. Sabi nga, kapag walang ‘pusher’, walang mga ‘user’. Sa tuwing naiisip ko ang mga kabataang naging biktima o magiging biktima ng mga illegal na drogang ikinakalat o ibinebenta ng mga pusher na ito, napapamura ako. Kasama sila sa mga dapat sisihin kung bakit maraming kinabukasan ang nasisira. Dahil sa kagagawan nila, marami ang nalululong sa droga at nakagagawa ng hindi maganda sa kapuwa at sa ating pamayanan.

Pero kung gaano kalaki ang galit ko sa mga pusher na iyan, doble o triple sa mga manufacturer at distributor na nagsu-supply sa kanila  ng bawal na gamot na iyan. Buhay pa sila pero sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa nila.

Sila ang dapat na  tinutukan at minamanmanan ng ating kapulisan. Sa oras na matiklo sila, hindi na dapat na binubuhay. Hayaang maubos ang lahi nila para mawala na ang mga demonyong tulad nila dito sa ibabaw ng lupa.
Hanggang sa may mga tulad nila na walang takot sa paggawa o paglikha  ng illegal na droga, hinding-hindi matutuldukan ang problemang kinahaharap ng ating bansa tungkol sa lumalalang kriminalidad.

Sabi nga, kung talagang gusto mong putulin nang tuluyan ang isang puno, magsimula ka sa ugat, huwag sa mga sanga. Dahil hangga’t nabubuhay ang ugat, putulin mo man ang sanga, tutubo at tutubo ito. Kaya ang dapat gawin ng ating kapulisan, doon sila mag-konsentreyt sa mga ugat. Ubusin ang mga ugat, ubusin ang mga demonyo!

Para sa inyong mga sumbong, reaksiyon,  opinyon at  katanungan, mag-text o tumawag sa CP# 09175425511. Puwede rin po kayong mag-email sa: ro_gam34@yahoo.com (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleHuwag ibenta ang prinsipyo at pagkatao ngayong halalan
Next articlePolice continue to secure polling centers; delivery, testing of VCMs safe
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here