Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Ang ‘salary increase’ ng mga guro, bow!

Ang ‘salary increase’ ng mga guro, bow!

38
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

MUKHANG malabo pa rin na maging totoo ang binitiwang pangako noon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa oras na manalo at maupo siya sa puwesto, isa sa mga titingnan o bibigyan niya ng pansin ay ang ‘salary increase’ ng mga guro.

“Antay lang!” Ito ang naging pahayag ng Pangulo kamakailan lang kaugnay sa hinihinging dagdag suweldo ng mga guro.

Bagama’t inatasan na ni Pangulong Duterte ang kanyang economic managers na maghanap ng pondo para sa salary increase na kanyang pangako sa mga guro, wala pa rin kasiguraduhan kung maipatutupad nga ba ito o hindi.

Kung hanggang kalian maghihintay ang mga guro na matupad ang pangakong iyan , walang malinaw na kasagutan.

Ang totoo, ang mga kapulisan ang kasabay ng mga guro na pinangakuan noon ng Pangulo ng salary increase. Kung tutuusin ay matagal na pong nabigyan ng dagdag-suweldo ang mga kapulisan pero ang mga guro, hanggang ngayon ay wala pa rin.

Kung nagkaroon man ng ‘salary increase’ para sa mga guro ngayong si Duterte ang Pangulo, ito ‘yun 4th tranche ng dagdag-sahod ng mga guro na isinulong at naaprobahan pa noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Kahit na sabihin pa nating nangyari ang pagre-release ng budget para dito ngayong siya na ang nakaupong Pangulo, hindi maaring ariin ito ni Pang. Duterte bilang ‘accomplishment’ dahil gaya nga ng sabi ko, noon pang panahon ni Noynoy bilang pangulo naisulong at naaprobahan ang salary increase na ito para sa mga guro. In short, ang pagpupugay ay para kay Aquino at hindi kay Pang. Duterte, when it comes to this issue, ‘di po ba?

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, malaking pondo ang kakailanganin ng gobyerno upang matupad ang pangakong salary increase na P10,000 sa bawat guro na mangangahulugan ng P150 bilyon kada taon.

Kung magkaroon man ng increase, baka gawin itong installment basis gaya ng sinabi ni Presidential Salvador Panelo dahil sa sobrang napakalaking halaga ang kakailanganin para dito.

Sa tingin ko, mukhang hindi naman masyadong nagkakalayo ang populasyon ng mga pulis at militar kumpara sa populasyon ng mga guro dito sa bansa, ‘di ba? Kung tama ako, ibig sabihin nito na ang gobyerno ay gumagastos ng more or less P150 bilyon yearly simula nang ipatupad ang salary increase sa mga kapulisan at mga militar.

Ang tanong, bakit walang mga ‘huge, huge amount’ isyu na tulad nito noong bigyan ng ‘salary increase’ ang mga kapulisan? Anong meron sa mga pulis na wala sa mga guro at labis-labis silang pinapa-prioritize ng administrasyong Duterte?

Marami tuloy sa mga guro ang nakakahalata ngayon na parang pinapaikot lang sila. Ang patuloy silang pinapaasa sa pangakong ‘salary increase’ na hindi naman nabibigyan ng katuparan.

Ang sabi tuloy ng mga guro, maniniwala na lang sila kapag nandiyan na ang salary increase na ‘yan, period! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleLalaki patay sa riding-in tandem
Next articleMurder of senior citizen couple in Meycauayan, solved in 10 hours
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here