Home Katropa Rumoronda Ang tunay at wagas na serbisyo

Ang tunay at wagas na serbisyo

24
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

HABANG tumatagal sa serbisyo sina Mayor Arturo Robes, Congw Rida, VM Efren Bartolome, Jr., City Administrator Dennis Booth, Ph.D., at mga kasalukuyang kawani ng pamahalaan ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ay lalong pinagiibayo pa ng mga ito ang kanilang paglilingkod sa mga San Josenios, kaya nitong nakalipas na mga linggo ay tumanggap ng ‘Plake ng Pagkilala’ ang Local Government ng San Jose Del Monte, mula sa Bulacan Environment and Natural Resources Officers Association, Inc. Ang parangal ay bunsod sa pakikiisa sa adbokasiya ng samahan at patuloy na pangangalaga ng Lungsod sa kalikasan at ang suporta sa paglulunsad ng programang ‘Plastik mo Kapalit ay Semento.’

Hindi lamang ito ang mga naging kaganapan nitong mga nakaraang buwan, nakiisa pa rin ang Administrasyong Robes sa ‘launching of Manila Bay Rehabilitation project’ at sa paglilinis sa may bahagi ng bayang Obando, Bulacan. Nitong nakaraan ay nagtungo ang ilang Opisyal ng pamahalaang lokal sa (Benchmarking) Lungsod ng Iloilo at Guimaras province, upang alamin ang mga karagdagang kaalaman at mapalawak ang pagkakakilanlan ng bawat lugar.

Batay pa sa ating nasaliksik na impormasyon, nagkaroon ng ‘turn over ceremony and ribbon cutting of Pro-fresh slaughter house, pagsusuri sa Resettlement Governance Sustainable Livelihood programs, ang patuloy na gawain sa Local Recruitment Activity ng PESO, upang matulungan ng ganap ang mga walang mapasukang trabaho.

Ang pinaigting na ‘Family planning, pagkakaroon ng Pre-Marriage Counseling Seminar, ang ‘Cleaning and Clearing Operations, upang mapanatili ang kalinisan at luwag ng kalsada. Ang ‘re-painting sa mga tamang tawiran ng tao, ito ang guhit-guhit na kulay puti, kung saan tinatawiran ng mga naglalakad. Ang ‘blood letting activities’ na kanilang isinasagawa upang makalikom ng sapat na bilang ng dugo, upang makatulong sa mga nangangailangan. Pagsusuri sa mga manganganak, ‘Oral health care for pregnant’ ng City Health Office.

Ang ‘Deworming of Students’ para sa maayos na katawan at kalusugan ng mga magaaral. Ang ‘Civil wedding rites,’ na ayon kay Mayor Robes ay lagiang manalig sa Diyos, para sa matatag na pamilya. Ang pakikiharap ng mga lokal na opisyal ng LSJDM sa ‘NHA Pleasant View Residences,’ at kung saan tinalakay ang iba pang proyekto ng NHA sa Lungsod.

Ang pagbisita ni dating PNP Chief na si Ronald ‘BATO’ Dela Rosa, tumatakbong Senador sa darating na halalan 2019, ay malugod na tinanggap ng mga San Josenios. Ayon nga kay Vito Moslares, Kolumnista ng Luzon Times, “binigyan diin ni Dela Rosa, sa kanyang talumpati, na ibalik ang hatol ng kamatayan. Pinuri din niya (Bato) ang kaunlaran ng LSJDM, dahil sa maayos na pamamahala ng Administrasyong Robes.

Ang patuloy na Serbisyo Caravan at ang isinagawang ‘Medical Mission’ ni Congw Rida Robes, kamakailan lamang.

Tsk! Tsk! Tsk! Ano pa ang masasabi natin, noon pa man sa simula ang mga Opisyal na nabanggit at mga kawani ng pamahalaang lokal ay aktibo na sa pagbibigay ng tunay at wagas na serbisyo sa bayan. Salamat at nariyan kayo upang gabayan at tulungan ang mga San Josenios. God Bless Us All!

Narito ang ating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli.

SHARE
Previous articleMan nabbed for raping 4-year-old girl in Pandi
Next articleSM City SJDM Centerpiece
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here