Home Simple Lang Ang Unang Distrito ng Bulacan sa kamay ng isang kabataang lingkod-bayan

Ang Unang Distrito ng Bulacan sa kamay ng isang kabataang lingkod-bayan

185
0
SHARE

PATULOY sa pag­lalatag ng kanyang mga programa at proyekto hindi lamang sa kanyang nasasakupang distrito kundi maging sa iba pang mga lugar ng Bulacan ang tila walang kapaguran na batang kongresista na si Congressman Jose Antonio R. Sy-Alvarado, na mas kilala sa tawag na Kuya Jonathan ng kanyang mga ka-distrito.

Kaya naman palagi ng nakatuon ang kanyang malawak na pananaw at kaisipan sa isang positibo at progresibong pamumuhay para sa mga residente ng kanilang lalawigan.

Ito ang naging bisyon sa panunungkulan ni Congressman Jonathan, ang makita niyang patuloy na umaangat ang kanilang lalawigan sa lahat ng mga aspeto ng mga kaayusan at kaginhawahan, para sa isang matahimik at mapayapang pamumuhay ng mga Bulakenyo, patungo sa isang maunlad na lalawigan, na minsan ay nagkaroon ng malaking bahagi sa aklat ng magagandang kasaysayan ng bansang Pilipinas.

Damang-dama ngayon ng maraming mga Bulakenyo ang magandang serbisyong nais na ihatid sa kanila ng kasalukuyang pamamahala ni Kuya Jonathan, ito ay sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon niya sa lahat ng mga aspeto ng serbisyo publiko na kailangan ng mga residente ng kanilang lalawigan.

Marami na ang mga naging pagbabago sa unang distrito ng Bulacan simula ng manungkulan si Kuya Jonathan bilang kinatawan ng kongreso.

Binuksan niya para sa lahat ng mga mamamayan ang kanyang tanggapan upang mas madaling makarating sa kanyang kaalaman ang mga kailangang serbisyo ng mga ito, lalo na ng mga mahihirap na residente na naghahanap ng kalinga mula sa isang lingkod-bayan na katulad niya.

Marami na ring mga kabataang Bulakneyo ang nakikinabang na sa mga scholarship program na kanyang ibinigay lalo na sa mga kabataang may angking talino subalit kapos sa suportang finansiyal ng kanilang mga magulang.

Marami pang mga balaking programa at proyekto si Cong Jonathan na nais niyang ma­ilatag sa kanyang dis­trito dahil ito ang kan­yang ipinangako sa mga Bulakenyo ang pag­lingkuran ng buong puso ang mga mamamayang nagtitiwala sa kanyang kakayahan, dahil sa kanyang paniniwala na, “Ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa DIYOS”.

Saludo po ako sa iyong kasipagan Kuya Jonathan.. Isa kang maipagmamalaking Lingkod- Bulakenyo. Wishing you all the very best in serving the people of Bulacan.

GOD Bless po and more power…Congratulations too. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article3 BOD ng Plaridel Water District, pinabababa sa kanilang puwesto!
Next articleIsang uri ba nang karamdaman ang pagiging ‘kleptomania’?
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here