Angel Locsin binara ang netizen tungkol sa ex-deal isyu

0
101

TAHASANG binara ni Angel Locsin ang isang netizen na nag-post hinggil sa ex-deal umano sa sinusuot ng mga artista kapag may event ang kanilang home studio.

Mas pinili kasi ng Kapamilya actress ang ‘di dumalo sa affair ng ABS-CBN kamakailan.

Instead ang pambibili niyang gown ay direkta niyang ibabahagi sa Bantay Bata 163.

Isang netizen ang nagbigay ng komento at hindi pabor sa rason ng Kapamilya actress.

Ani ng netizen, hindi naman daw gagastos si Angel sa ABS-CBN ball dahil ex-deals daw ang mga sinusuot ng mga artista at maging ang mga accessories.

Sagot ng Kapamilya actress, paminsan-minsan daw ay ex-deal, pero hindi raw lahat.

Tulad daw last year gumastos siya ng P100K sa gown pa lang niyang sinuot wala pa daw dun ang fee ng stylist, glam fee, hotel, etc.

“Hindi naman fair kung hindi ka magbayad kasi hindi madali ang ginagawa ng team. You get my point?”

‘Di pa rin nagpatinag ang netizen at tinanong ang actress kung hindi ba siya nanghihiram ng gown sa mga designer kapag may okasyon.

“As a celebrity and you being a big star, for sure designers would love to see their dress worn by you.”

Kinorek ni Angel ang impression ng netizen. Sa dami raw ng dadalo ng ball lalo at may theme pa, tiyak daw na magkakaubusan.

Sabay tanong ng ‘saan ba nanggaling ang impression mo na parang ang privilege ng mga artista? Kung gumagastos ka pag may event ka, wala naman kaming pinagkaiba.’

Na-gets naman daw ng netizen ang punto ng ‘The General’s Daughter’ actress at nalulungkot siya dahil nagbayad ng 100K para lang sa gown si Angel na naganap last year.

Bandang huli ay kinongratulate ng netizen si Angel sa kanyang magandang layunin. “Again hindi po ako hater, ha,” paglalahad pa niya.

Ang ginawang pagkokorek ni Angel hinggil sa ex-deal ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa ibang mga kasamahang artists. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here