Home Showbiz Angel Locsin ‘game’ makatrabaho si Nadine!

Angel Locsin ‘game’ makatrabaho si Nadine!

16
0
SHARE

NAG-REPLY si Angel Locsin sa pag-amin ni Nadine Lustre na gusto niyang makasama ang The General’s Daughter sa isang action movie.

Na-interbyu ni Karen Davila si Nadine kamakailan at natanong kung sino ang gusto niyang makatrabaho in the future.

Mabilis na sumagot ang Ulan actress, na gusto niyang makatrabaho sa isang action film si Angel Locsin.

Agad na nakarating ang sinabi ni Nadine. Nag-twit si Angel kay Nadine, ‘thanks Nadine! GAAAAAME! Congratulations in advance sa Ulan! Exciting!”

Sa tinuran ni Angel, marami ang may gustong matuloy ang Angel-Nadine movie.

Komento ng netizens, “Sobrang perfect nilang dalawa sa action movie sana mangyari.”

“Glad to see women lifting each others up!” Pero kailangan pa rin daw ni Nadine na mag-workshop kung magsasama sila ni Angel sa isang action movie.

Ang iba naman ay ganito ang sinasabi, “Baka instead na fans ma-gain niya, bashers pa. Especially fighting scenes. Bagay sa kanilang dalawa ang action kaya lng di makakasabay sa acting si Nadine”

May nagsabi ring kung makatutulong naman sa industriya ang Angel-Nadine tandem bakit raw naman ito ididiscourage lalo pa’t kung susuportahan naman daw ng Star Cinema at Viva?

“Kung si Angel mismo, natuwa at nag pasalamat sa sinabi ni Nadine, sino naman kayo to discourage her??? Lahat yan napag aaralan, may workshops, lalo na sa mga fight scenes.”

Tama nga naman. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKuwait Airways nangangailangan ng 200 Pinoy, sahod mula P37,000 hanggang P257,000
Next articleAi-Ai at La Greta pinatatamaan si Kris
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here