Home Showbiz Angel Locsin ‘palaban’ sa basher

Angel Locsin ‘palaban’ sa basher

45
0
SHARE

HINDI na nakagpigil ang magandang actress sa mga taong nambabash sa kanya hinggil sa pagsuporta niya kay Neri Colmenares na tumakbong senador ngayong eleksyon.

Inakusahan kasing Komunista o NPA si Colmenares, pero bakit daw kinakampanya ng aktres at binoto.

Nakipagsagutan talaga si Angel para maipagtanggol si Colmenares sa kanyang social media account.

Aniya, bakit grabe raw kung makapanira ang basher? Wala raw bang maibato kay Colmenares ang mga ito at ipinagkakalat na komunista o NPA ang pulitiko?

“Dahil ba gumagawa siya (Colmenares) ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag-isip sana tayo.”

Ayon pa sa actress, :it’s the lies and black propaganda I don’t understand. If you don’t believe in him don’t vote for him. Spreading lies and destroying the reputation of someone with pure intentions is what I don’t agree with.”

Isang netizen pa ang nagsabi na kung hindi raw NPA si Colmenares dapat daw ay ang pulitiko mismo ang magsabi na hindi siya NPA.

Ani Angel, “hindi ako makapagsasalita para sa kanya obviously, pero ako kasi doon ako sa peaceful way. Paag-usapan ng maayos ang problema.

Ayon pa sa isang netizen @bugoy1983 “According to PNP they are front communist party at NPA? NPA now is a terrorist group. So are you supporting terrorist group madam?

Sagot ni Angel kay @bugoy 1983 “Saan dyan sa mga sinasabi ko na susuportahan ko ang NPA. Kayo ‘pag wala kayong mahanap na butas ‘yan na lang ba ang alam nyong ibato? Kumusta naman ‘yung mga magnanakaw na binoto mo? Ayos naman ba?”

Ang mga followers ni Angel ay todo suporta sa kanya. Iba ay nagsasabing siguro daw ang kausap niya ay isang komunista at prinovoke lang daw siya.

Pero mas lalo raw nadagdagan ang paghanga nila sa aktres dahil napakatapang daw pala nito talagang ipaglalaban niya ang sa pagkakaalam niya ay mga totoong tao?

Isang netizen naman ang umepal. Kaya raw ba hindi nya pinaglaban si Luis Manzano? (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleIsko Moreno nagapi ang dalawang ‘Goliath’ ng Maynila
Next articlePolitical clans dominate Central Luzon polls
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here