Home Showbiz Angel Locsin pinuna ang ‘paglobo’ ng katawan

Angel Locsin pinuna ang ‘paglobo’ ng katawan

42
0
SHARE

GRABE naman talaga ang pag-iisip ng ibang netizen.

Naispatan lang na bumibili ng Turkish Ice Cream si Angel Locsin sinabihang ‘buntis’ agad ang magandang actress.

Maging ang body figure ng Kapamilya actress ay pinuna ng netizens.

Sa ibinahagi kasing larawan ni Angel ay nag-gain weight ang actress, pero kapansin-pansin pa rin ang kanyang ganda.

Komento ng isang netizen, “Love her bombshell figure!”

Ka-figure na raw ni Angel ang misis ni Ogie Alcasid na si Regine.

Pero natutuwa ang mga eto dahil wala raw kakiyeme kyeme ang actress sa binibiling ice cream na nakalagay sa cone kahit alam nitong hinahawak-hawakan eto ng different costumers.

“Is she preggy?,” tanong naman ng isang netizen. “Ang jubis nya na talaga,” pahabol pa nito.

Sinundan naman ng isa, ‘yu’ng braso nya parang palo palo na.’

Ayon pa sa netizens, baka raw sa steroids dahil sa back problem ni Angel.

Yun daw kasi ang epekto ng mga nagpapa-steroid at nag-stop din sa pagdi-gym. Unless strict pa din.

Eksplika pa ng netizen: “She had spinal injury and operation before. Part of her treatment is to take some form of steroid to ease with the inflammation and lessen its severity. Unfortunately, side effect of that drug is weight gain.”

Back to ice cream, kahit ilang ice cream ang daw ang gustong kainin ni Angel dito sa ‘Pinas ay pwede dahil ang fiancé niyang si Neil Arce ay may family business na Arce Dairy. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleRegine Velasquez nagpaka-fan kay Catriona Gray
Next articleSam Milby supporting na lang ang role!
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here