Angel nagbigay ng opinyon sa paghinto ng lipad ni Darna

0
116

 NAGSALITA na si Angel Locsin hinggil sa pagkakatigil ng ‘Darna’ movie na dapat ay pagbibidahan ni Jane de Leon.

Ibinahagi ni Angel ang kanyang opinion regarding sa indefinite postponement ng heroine movie.

“Tama naman ‘yung decision for safety ng lahat. May pandemya so kailangan natin sumunod sa protocol,” sey ng actress.

Sa panayam ni G3 San Diego kamakailan, nalulungkot siya sa lumabas na balita na stop muna ang Darna movie.

Ang pelikula raw sanang ‘yun ang makapagbibigay pag-asa at inspirasyon para magkaroon ng spark ang mga tao lalo na at panahon ng pandemya.

Lahad ng former ‘Darna’ actress, “Nanghihinayang ako. Sayang kasi ‘yung panahon  ngayon, panahon na kailangan natin ng hero. Maganda sana, especially sa mga kabataan na meron tayong someone na tinitingala natin, na merong makakapagligtas sa atin sa lahat ng mga pinagdadaanan natin. Sayang ‘yung pagkakataon.”

Pero, naiintindihan naman daw niya ang explanation ng ABS-CBN dahil ang inaalala naman daw ng production ay ang kapakanan ng mga tao.

“Tama naman ‘yung decision for safety ng lahat. May pandemya so kailangan natin sumunod sa protocol,” ani Angel.

May paalala rin ang actress sa mga fans ni ‘Darna.’

“Don’t need to worry because the legacy of Darna will always be known.

“Nandiyan na noon pa mana. Hindi siya nawawala. Sabi nga nila, ang bato ni Darna, patuloy nagniningning iyan at pupunta iyan sa taong karapatdapat. Huwag po kayong mag-alala, babalik si Darna.”

Ang nasabing Darna movie ay pagbibidahan dapat ni Jane de Leon.

Napunta kay Jane ang role nang siya ay nakapasa sa audition last July pagkatapos na mag-back out sina Angel at Liza Soberano dahil sa injuries na kanilang natamo. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here