Angel wala rin sa Xmas Station ID ng ABS-CBN

0
135

MUKHANG nagdadagsaan ang mga nagrereklamong artists na hindi nakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Isa na nga rito ang singer na si Jed Madela.

Ang actress na si Angel Locsin ay wala rin sa nasabing Station ID.

Pero hindi ang actress ang nagrereklamo kundi ang kanyang fans ang nagtatanong bakit wala raw ang kanilang idol,

Sinagot naman ng Dreamscape AdProm na si Eric John Salut kung bakit wala ang The General’s Daughter.

Ani EJ, “May fever po siya nung day ng shoot.”

Wala man si Angel ang kanyang mga co-stars ay naroroon sa Station ID para sa The General’s Daughter Team — Maricel Soriano, Ryza Cenon at Arjo Atayde. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here