Home Showbiz Angelica Panganiban may mensahe sa mga heartbroken

Angelica Panganiban may mensahe sa mga heartbroken

431
0
SHARE

SI Jennylyn Mercado ang gustong tularan ni Angelica Panganiban kung papano mag-overcome ng heartbreak. Nu’ng una raw ay si Snooky Serna, pero nakita niya kay Jennylyn ang pagiging ultimate survivor.

Nakailang boyfriend na rin kasi ang GMA actress, pero ang lahat ay kanyang nalampasan. Huling naging boyfriend si Dennis Trillo – nagkasikatan, nagkahiwalay — ngayon ay nagkabalikan.

Tatlo ang naging boyfriend ng Kapamilya actress – Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz. One at a time kung siya ay makipagrelasyon na umaabot ng mga taon.

Napatawad na raw niya ang mga ex, pero ang maging kaibigan sila ay hindi agad masagot ng aktres. Nasabi na lang niya ay kung hindi kayo nagkasakitan, baka may tsansang maging magkaibigan.

Kilalang Hugot Queen si Angelica. Share niya sa mga heartbroken para makamove-on ay “embrace nila ang pain kasi bawal mag-skip ng steps. Kailangan pagdaanan mo pa rin ang lahat, kung hindi…’di ka matututo.” (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleWalang isyu sa pagitan nina Angel Locsin at Bela Padilla
Next articleLiza Soberano binuking si Enrique Gil
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here