Home Showbiz Angelica Panganiban sarkastikong nag-message sa ASAP official

Angelica Panganiban sarkastikong nag-message sa ASAP official

42
0
SHARE

ISANG fan ni Angelica ang nagtweet sa actress na sana raw ay makapagpakuha siya ng picture sa Kapamilya actress kapag nasa ASAP Rome sila sa November 16.

Manggagaling pa umano ang mga fans sa Belgium at pumunta lang sa Roma para makapagpa-picture sa actress.

Humingi ng sorry si Angelica sa kanyang fans.

“Hello po, sorry wala po ako dun. Wala po ako sa Asap ROME.”
Nag-tweet din si Angelica sa @asapofficial “meron din po akong supporters… at iba po sa kanila bbyahe pa… matagal nyo na alam na wala ako sa asap rome. Bakit hindi kayo nag-announce? (Sorry for taking it on social media hindi ko din to na-expect.)”

Sadyang prangka lang ang actress, pero may pagka-sarcasm ang dating ng kanyang mensahe na eto. “Hayaan na natin. Hindi din naman ako big star kagaya ng mga artista nila. Balang araw… sisikat din ako at mag ma matter ako sa show nila. Sana one day. Sana talaga.”

Dugtong pa ni Angge: “Back to regular programming na tayo mga besh.

‘Wag tayo sa walang pakelam satin.”

Napansin na naman ng netizens na iba raw ang ‘bagsak’ ng mga binitawang salita ng actress. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here