Home Showbiz Angelica Panganiban, tinarayan ang isang cable provider

Angelica Panganiban, tinarayan ang isang cable provider

37
0
SHARE

IMBYERNA ang actress na si Angelica Panganiban dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa siya sinisipot ng isang cable provider para mag-install ng kanyang Wi-Fi.

Ayon sa actress one month na raw siyang nagpa-sked, pero hanggang ngayon ay wala pa dumarating na representative ang nasabing cable provider.

Idinaan na ni Angelica sa kanyang Twitter account para mapansin na raw siya.

Aniya: “Kailangan umabot pa sa Twitter?”

“Kapag public sumasagot kayo, eh. Sige i-public natin ito para may witness ako,” ang mataray na twit ng actress.

Sumagot naman ang nasabing cable provider na @Skyserves pala.

Sagot ng Sky, “we would like to apologize if you have experienced this inconvenience, Ms. Angelica. Please follow us back so we can discuss things further via DM. Thanks.

Pero talagang mataray ang aktres. Sambit niya para sulit daw ang binabayaran kung saan 8K na raw ang lumilipad sa SKY, una, gusto ko ng 2 months refund, pangalawa… magtrabaho kayo, kaya po ba? At ang huli NOPE! PUNTAHAN N’YO KO.!!!

Bandang huli, sabi pa ng aktres “’yung lovelife ko parating na… ‘yung sky na pa-Internet wala pa riiin..”

Huh, sino kaya ang tinutukoy ni Angelica na lovelife niya? (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAnne Curtis lumalabas ang pagka-generous sa Korean idol
Next articleLeading-lady ni Dingdong Dantes sa ‘DOTS’ hinahanap na
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here