Home Showbiz Angelica pinagtatawanan na lang ang naging relasyon kina Derek at John lloyd

Angelica pinagtatawanan na lang ang naging relasyon kina Derek at John lloyd

28
0
SHARE

NA-INTERBYU ni Patty Yap ang kaibigang si Angelica Panganiban sa kanyang YouTube Channel na ‘Truth or Dare.’

Ang napag-usapan ng dalawa ay sina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at iba pang may konek sa buhay ng Kapamilya actress.

Sa pag-uusap ng dalawa sinabi ng magandang aktres na naghihintay pa rin daw niya ang kanyang prince charming.

Pero ang komento ng netizen na nakapanood din ng video, ‘Kailangan ba talaga ang prince? she should just learn to truly love herself more.’
Hindi pa raw kasi maka-move on si Angge, ayon naman sa iba.

Pagtatanggol ng fan. ‘Naka moved na nga kaya pinagtatawanan na lang.. Ano ba dapat gawin para masabi ng tao na move on na? Ung d na pinag uusapan? Syempre kausap nya bff nya, she can say anything.’

Sadya ngang naka-move on na si Angelica sa kanyang mga past dahil habang nag-uusap sila ni Patty ay panay lang tawa ng aktres. Kumbaga pinagtatawan na lang niya ngayon ang mga namagitan sa kanila nina Derek at Lloydie.

Eto naman ang magandang patungkol sa aktres.

“I LOVE ANGELICA! Share ko lang nakita ko siya sa isang restobar last weekend and I know I invaded her privacy by asking selfie with her. Pumayag siya kahit feel ko awkward sa mga kasama niya. Ms. Angelica if nababasa mo po to.. Thank you! Ang ganda mo na ang bait mo pa po!

“Kaya dun sa nagsasabing minsan mataray siya sa mga nagpapapicture baka natyempuhan niyo lang na pagod na pagod talaga siya at need niya ng time alone. Pero kung pwede at kaya.. Ibibigay naman eh. Lets understand them.”

“Nag pa picture dn kami sa knya before sa airport kahit parang nagmamadali na sila ng ksama nya pero pumayag naman sya. Hindi lng siguro maintindihan ng iba na minsan hindi lahat ng oras good mood sya.”

May lumabas kasing isang fan ang nagreklamo na nang magpa-selfie siya sa aktres ay tinarayan daw siya nito at sinabing hindi siya nagpapakuha ng picture ‘pag walang trabaho. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleErich Gonzales pinalitan ni Yam sa ‘KimXi’ teleserye
Next articleFernando, naglabas ng sariling bersyon ng ‘anti-epal’ na EO sa Bulacan
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here