Angelica to Bea… ‘magkaibigan tayo habang buhay… walang makakasira sa atin’

0
152

NAPAKA-TOUCHING ang mensahe ni Angelica Panganiban para sa kaibigang si Bea Alonzo.

Magkasama ang dalawang magandang actress sa movie Unbreakable’ kung saan kasama rin nila si Richard Gutierrez.

Sa IG account ni Angelica nag-post siya ng larawan nilang dalawa ni Bea at nilagyan niya ng caption, ‘Mami Bei.’

“Ilang araw na lang mula ngayon, makikilala na tayo ng mundo.

“Tinupad ng Diyos ang pangarap natin na, makatrabaho ang isa’t isa.
“Hindi man sa pinaka madaling paraan, pero nangyari. NANGYAYARI NA,” ani Angge.

Ang tinutukoy ng Kapamilya actress ay ang pagkakasama nila sa movie na Unbreakable na malapit nang ipalabas sa lahat ng mga sinehan nationwide.

Unang nagkasama ang dalawang actress sa teleseryeng Maging Sino Ka Man at sa All About Love movie nu’ng 2006

Dugtong pa ni Angelica, “Katulad na lang noon, na hindi tayo makapag hintay na makatrabaho ang isa’t isa, hindi rin tayo makapag hintay ngayon na makilala nila tayo. Sa hindi din nila inaasahang journey ng maturity na meron tayo ngayon.

“Hindi tayo maghihiwalay. Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay. Walang makakasira satin. I love you mami bei @beaalonzo. We got this.”

Pinatunayan lang ni Angge na ang pagkakaibigan nila ni Bea ay hindi mawawasak anuman ang mangyari.

Well, mati-test ang tunay na pagkakaibigan ng dalawa sa Unbreakable movie dahil umiikot ang istorya tungkol sa love.

Ang tanong magkakaroon ba ng ghosting o may aasa sa kanilang pagmamahal.

Parehong may konek sa dalawang actress ang aming binanggit.

Si Bea ay ghosting sa parte ni Gerald Anderson samantalang si Angelica ay pinaasa umano ni Carlo Aquino. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here