Home Showbiz Angelika na bad-trip sa isang airline at security guard

Angelika na bad-trip sa isang airline at security guard

44
0
SHARE

NAPIKON umano ang actress na si Angelica Panganiban sa isang airline at maging sa security guard sa airport.

Ayon kay Angelica sa kanyang social media account na-frustrate siya sa ekspersiya niya sa low quality ng serbisyo ng airline.

Dagdag pa niya na maging ang security guard sa airport ay isa sa naging dahilan kaya hindi siya nakasakay sa kanyang flight.

Saad niya sa kanyang socmed account: “Hindi ako umabot sa flight!!!! work hard pa more!!!” “Kung makapang iwan kayo ng pasahero… tawang tawa pa kayo. pero pag kayo ang hindi on time… kahit libreng tubig hindi niyo kami mabigyan. Kapag nag reklamo kami, kami pa ang masama at paguusapan. Hanep”

“Kailangan pala 3 hours ma delay yung flight para painumin ka nila ng free water” “Sana nag bus na lang ako.” “Low cost airline daw sila. So, low cost din ang services. Yan ang sinabi sa amin ng flight attendant.”

“Kanina nga sa airport, tinanong namin yung guard kung nasan ang VIP lounge, pinalabas niya kami. So inulit namin yung security check. Katabi lang pala niya yung lounge. Nung tinanong ko siya anong trip niya, sabi lang ‘sorry po.’”

Dahil sa pangyayari ayon sa actress, hinding-hindi raw makakalimutan ni Angelica ang eksperyensang nangyari sa kanya sa airport. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleVhong at Jhong ginawang panangga si Ion kay Vice
Next articleBagong City Hall ng Malolos, papasinayaan kasabay ng pagpapalit ng alkalde
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here