Angeline Quinto ginamit ang kasikatan para makaakyat sa Andas

0
290

ISA si Angeline Quinto na taun-taon ay namamanata sa Poong Nazareno.

Nag-post sa socmed ang singer ng isang larawan kung saan nakasakay siya sa Andas ng Black Nazarene.

“Viva Senor Nazareno. Maraming salamat po!” ani Angge.

nagustuhan ng netizen ang ibinahagi ng singer at siya’y binatikos.

Paki-explain daw kung bakit nasa Andas siya. Hijos (tagabuhat ng Poon) na rin saw ba siya. Ano’ng kaibahan ni Angeline sa kanilang mga hamak na deboto bukod sa magaling siyang kumanta.

Ani ng netizen “Gigil ako.”

Paliwanag ni Angge, nahirapan din naman daw siyang umakyat, pero mas nahirapan daw siyang bumaba kaya nakaabot na siya hanggang sa loob ng simbahan.

“Wag ka gigil magagalit Mahal na Poon. Pare-pareho tayo ng panata. Sabay ka sa akin next year tutulungan kita.

Ayon pa sa singer diskarte lang daw ang kanyang ginawa.

Katunayan puro pasa nga raw ang inabot niya bago nakasampa sa Andas at dumugo pa ang kanyang ilong.

Ayaw pa ring tumigil ang netizen. Aniya, kilala raw kasing sikat na singer si Angeline kaya tinulungan ng mga Hijos.

Kung pangkaraniwang tao lang din daw siya malamang na naranasan niyang matulak at hinahablot kapag napapalapit na sa Andas. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here