Home Showbiz ANNE CURTIS ALA-ANGELINA JOLIE A.K.A. LARA CROFT SA PELIKULANG GINAGAWA

ANNE CURTIS ALA-ANGELINA JOLIE A.K.A. LARA CROFT SA PELIKULANG GINAGAWA

423
0
SHARE

WALANG humpay sa pagwo-work out si Anne Curtis pati na sa pag-aaral ng martial arts. May pagka-action kasi ang pelikulang Buy Bust na ginagawa ni Anne na ang director ay si Erik Matti.

Post nga ni Anne sa kanyang Istagram account:  “Been working long, wet and bloody nights on this film with an extremely awesome team. Can’t even put into words how excited I am for all of you to see how it’s all come together.”

Nasa social media ang mga pix ni Anne kung saan pinakikita ang kanyang pagti-training. Kinumpara pa nga siya ng netizens kay Angelina Jolie bilang si Lara Croft.

Kaya naman pala ang lakas ni Anne. Aba, imagine sa segment ng It’s Showtime na Cash-Ya ay binuhat niya ang isang dancer para lang magkasya sila sa telephone booth. Maging ang paghila ng grupo nila ni Nadine Lustre na nakaupo sa ala-Aladdin carpet ay kinaya ng Fil-Am actress-host.

Kita naman ngayon sa built ng pangangatawan ni Anne ang kanyang pagwo-work out,

‘Nga pala si Anne ang cover sa Esquire Philippines ngayong August na may teaser na The Filipina is the sexiest woman alive.

“We celebrate classic Filipina beauty in five iconic women: Anne Curtis-Smith, Angel Aquino, Tweetie de Leon-Gonzalez, Agot Isidro, and Zsa Zsa Padilla,” ayon sa description ng Esquire magz.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here