Home Showbiz Anne Curtis ipinagtanggol si Nadine Lustre sa mga bashers

Anne Curtis ipinagtanggol si Nadine Lustre sa mga bashers

993
0
SHARE

DINEPENSAHAN ni Anne Curtis ang co-host nila sa It’s Showtime na si Nadine Lustre sa mga basher ng dalaga.

Binatikos kasi si Nadine na nakukuha pa raw magsaya samantalang kamamatay lamang ng kanyang kapatid. Maging ang pananaw ng girlfriend ni James Reid hinggil sa depression ay tinuligsa rin ng netizens.

Pinost kasi ng fan ni Nadine ang production number nila ni Anne na kumakanta para sa Showtime’s 8th anniversary.

“You are a horrible person. You never know what a person is going through or how they deal with whatever it is they are feeling. So back off,” bwelta ni Anne sa basher ni Nadine.

Hinggil naman sa mahabang explanation ni Nadine sa kanyang Instagram tungkol sa depression, ini-encouraged niya na kung sino man daw ang nagsa-suffer ng depression sana raw ay panatilihin ng mga ito na sila ay maging strong.

Tunay nga namang mahirap na sakit ang depression. Once na tinalo ka nito ay mapapanghinaan ng loob at makakaisip ng hindi maganda.

SHARE
Previous articleBea at John Lloyd nagkita sa Paris
Next articleDahil sa description na ‘parang mag-asawa’ ENRIQUE GIL NA-MISINTERPRET
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here