Anne Curtis, may pagkapilya!

0
97

NILAGYAN ni Anne Curtis ng nakakaintrigang caption ang kuha nilang picture nina Angel Locsin, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Caption ng ‘It’s Showtime’ host: “Same but different. All very different personalities but have the same strong hearts. Love you ladies!”

“For keeps. #TheLegalWife #TheMistress #TheUnmarriedWife #TheOtherWoman.”

Ang mga nasabing hashtag ay title ng pelikula na ginampanan ng apat na magagandang actress.

Napuna ng netizens ang caption ni Anne sa nasabing larawan at umingay ito sa social media.

Ayon pa kay Anne, ‘four ladies have different personalities but they all have the strong hearts.’

Bumilib ang netizens dahil ang hashtags movies ay pawang patungkol sa third party at mistresses.

Reaksyon ng netizens: “Anne is married, Angel is engaged, Bea is moving forward, and Angelica is single.”

“Gusto ko ang mga hashtags. Parang may pinapatamaan. Haha peace!” “Is it just me or nah. I find the caption intriguing coz it’s about mistresses. Anne is very witty!”

“Winner talaga yung hashtags ni Anne! Naipasok pa ang tungkol sa third parties!” “Love the caption! Talino talaga.”

Ang apat na actress ay matagal ng magkakaibigan, pero never pa silang gumawa ng movie na magkakasama. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here