Home National News Anne Curtis proud sa fan, dinipensahan sa Erwan Heussaff

Anne Curtis proud sa fan, dinipensahan sa Erwan Heussaff

517
0
SHARE

VERY proud si Anne Curtis dahil may napagtapos siya ng kolehiyo sa pamamagitan ng kanyang project, ang Dream Machine Philippines.

Ang nagtapos sa kolehiyo ay ang isa sa fan ni Anne na si Sareena Calonzo. Sa Miriam College nagtapos ang fan. In-upload ng fan ang kanyang graduation photo at pinadala sa Instagram ni Anne na may caption “THIS IS IT! CAN’T THANK YOU ENOUGH, ATE ANNE!” Anne congratulates her.

Nilagay ni Anne sa kanyang Instagram story kung papano sila nag-meet ng fan. “Several years ago, I met a girl named @sareenacalonzo. She would come to my mall shows, come watch Showtime, and hang out with @realf2 if we had gatherings.”

Patuloy pa ng actress: “She has ALWAYS been a loyal supporter of mine… And one day, the time came she needed my support. I have always had faith in her. And wanted to help her in pursuing her biggest dream…”

Mensahe pa ni Anne: “@sareenacalonzo May you be an inspiration to others that that there is never a mountain too high or a dream too big. And may you always PAY IT FORWARD one day and make someone else’s dream come true too. Big hug! Love you! Congratulations!”

Actually ang pagtulong ni Anne ay hindi niya pinagsasabi nalalaman lang ng lahat ang kanyang kabutihan kapag may mga taong nagpapasalamat na sa kanya.

Samantala, pinagtanggol naman ni Anne ang husband niyang si Erwan Heussaff. Nasasabit ngayon ang pangalan ni Erwan sa P80M Buhay Carinderia controversy.

Si Erwan kasi ang content creator ng Buhay Carinderia. Siya ang kumukuha ng video series para i-promote ang mga pagkaing Pinoy.

Naka-tap ang trabaho ni Erwan sa Marylindbert International, ang marketing agency na nag-organize ng BC. Na-question ang project nang tumanggap umano ng P80M mula sa Tourism Promotions Board (TPB). Ayon sa nakaupo ngayong Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat, bakit daw nakakuha ng sponsorship ang Marylindbert International mula sa TBP ng hindi dumaan sa bidding process.

Klaro ni Anne na walang kinalaman sa controversy ang kanyang asawa. Eksplika nga ni Anne sa Pep: “I know where Erwan’s heart is talaga when it comes to that: it’s always about pushing the Filipino food. ‘Yun lang naman ang gusto niya, ma-highlight ang pagkain na mga Pilipino, so I support him with that.”

Mensahe pa ni Anne sa asawa: “Basta you know where your heart is, you don’t have to worry about it.” (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleYassi Pressman dinenay ang hidwaan nila ni Nadine Lustre
Next article4 killed, 14 hurt in multiple collision in Bulacan
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here