Home Taklesa Anong galing meron si DE Ramiro Cruz?

Anong galing meron si DE Ramiro Cruz?

31
0
SHARE

MINSAN ay nagawi ako sa opisina ng Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineering Office sa may lungsod ng Malolos na dating pinamumunuan ni DE Ruel Angeles na retirado na sa kasalukuyan

Narinig ko ang dalawang empleyadong inhinyero na nag-uusap sa may lobby ng nabanggit na opisina.

Empleyado 1: Sana pre ang pumalit kay DE Angeles ay kasing galing at husay ni DE Ramiro M. Cruz ng 2nd District Engineering Office.

Empleyado 2: Oo nga pre kasi putok na putok ang husay ni DE Ramiro hanggang sa Central Office dahil sa ipinamalas niyang galing bilang public servant at pangulo ng District Engineers League of the Philippines, Inc.

Empleyado 1: Balita rin ang husay ni DE Ramiro sa paghawak o pag-organisa ng mga multi-million project.

Empleyado 2: Hindi lang ’yan, lahat daw ng hinawakan nitong proyekto ay laging napupuri ni Secretary Mark Villar.

Empleyado 2: Nakumpleto ni DE Cruz ang 2.093-Billion pesos na halaga ng pambansang lansangan, mga tulay, mga istrakturang pangontrol sa baha at iba pang infrastructure projects para sa taong 2017 dito sa lalawigan ng Bulacan.

Empleyado 1: Kabilang sa mga natapos na Infra Project ay nasa San Jose Del Monte City at mga bayan ng Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, Sta. Maria, Marilao, Meycauayan, Obando at ang 19.59 kilometrong pambansang kalsada, ang 88 lineal meters na mga tulay, 31 flood control structures at 105 iba pang proyektong pang-imprastraktura.

Empleyado 2: Dahil sa mga proyektong ’yan pre kaya naging mas mabilis na ngayon at ligtas ang travel time sa Bulacan.

Empleyado 1: Galing pala talaga ni DE Ramiro Cruz. Eh, ’yung proyekto nya pre tungkol sa bayan ng Marilao at sa yung sa Tabon Creek? May alam ka ba dun?

Empleyado 2: Oo naman. Matagal ko nang sinusubaybayan ang mga project na hinawakan ni DE Cruz.

Empleyado 2: Inilatag ni DE Cruz ang multi-year plan sa problema tungkol sa malawakang pagbaha sa Marilao sa harap ng SM at Tabon Creek. Ito ay popondohan ng halagang P50 milyon mula 2019 hanggang 2021. Ito ay inisyal lamang dahil ang pondo ay binubuo ng halos P1.3 billion para masolusyonan ang problema sa pagbaha sa nasabing lugar. Kasama dito ang pagpapalalim (dredging) ng Marilao River. Sa Tabon Creek ay naka-propose na 3 pumping station na nakatakdang umpisahan sa 2020. Kaya by year 2021 ay hinndi na magbabaha sa Marilao.

Empleyado 1: Galing naman. Paano naisip ni DE Ramiro ang mga yan? Kaya sana kasing husay at galing niya ang uupong district engineer dito sa 1st District Engineering Office.

Empleyado 2: Sana nga eh. Eh, siya na lang kaya pre?

Empleyado 1: Naku, mas maganda yan. Higit na magagamit ang husay niya dito sa 1st District Engineering Office.

Empleyado 1: Halika na pre kain na tayo sa canteen. Hintayin na lang nating ang July at baka maupo na ang bagong district engineer natin.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

SHARE
Previous articleNaglahong katutubong isdang ilog
Next articleGov. Daniel Fernando, The People’s Governor
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here