Home Top Story Anti-illegal Drug Summit, isinagawa sa bayan ng San Rafael

Anti-illegal Drug Summit, isinagawa sa bayan ng San Rafael

551
0
SHARE

 

HINDI naman mahulugang karayom sa dami ng dumalo at sumuporta sa drug summit na isinagawa sa Victory Coliseum, Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan noong September 5, 2017.

Hangad na nabanggit na drug summit na maibahagi sa mamamayan ng 34 barangay sa nasabing bayan ang resulta sa mga programa na pinatupad ng lokal na kapulisan sa nakalipas na isang taon.

Ang masipag na hepe ng pulis ng bayan ng San Rafael na si P/Supt. Rizalino A. Andaya habang kinakapanayam ng mga lokal na mamamahayag.

Panauhing pandangal sina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Ismael Fajardo Jr., Congresswoman Lorna C. Silverio, 3rd District of Bulacan, Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., na kinatawan ni Supt. Rafmil Corpuz, DPDO, habang sinuportahan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Cipriano D. Violago Jr., Vice Mayor Edison Veneracion, chairman ng Municipal Advisory Council at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Dumalo din sa drug summit ang mga barangay captain mula sa 34 barangay ng San Rafael at mga mga drug surrenderee at pamilya nito.

PDEA Regional Director Ismael Fajardo Jr.

Inihayag ni P/Supt. Rizalino Andaya, acting Chief of Police, sa kanyang mensahe ang kalagayan ng anti-illegal drive sa bayan ng San Rafael.

Ayon dito, simula July 1 2016 hanggang August 31, 2017, meron nang 2,087 ang total na boluntaryong sumuko sa kapulisan kung saan 22 dito ay mga drug pushers.

Dagdag pa ni Andaya, merong 145 drug operations ang kanilang naisagawa, 109 dito ay buy bust ops kung saan arestado ang

Ipinapakita ni PDEA Regional Director Ismael Fajardo Jr., ang iginawad na plake ng pagkilala bilang natatanging tagapagsalita sa isinagawang Anti-Ilegal Drug Summit sa San Rafael, Bulacan kamakailan.

mga suspek. Nakarekober din ang lokal na pulis ng 401 plastic sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa kabuuan umano, ayon sa acting chief of police, umabot na sa 39 katao ang mga nanlaban at napatay sa engkwentro.

Ang tanging hangad ni Andaya ay maging drug-free ang mga barangay sa bayan ng San Rafael bago matapos ang taon.

“Malapit ng mangyari yun. Mga nasa 80 porsyento na at kunti na lang ay magiging drug-free na ang ilang barangay dito sa San Rafel,” ayon pa sa hepe ng pulis.

Ang mga drug reformists sa Bahay Pagbabago sa San Rafael na nagbigay ng masayang bilang.

Nagpasamat din si Andaya sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Violago dahil sa suportang ipinagkakalob nito sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga upang tuluyan ng malinis ang bayan ng San Rafael.

Sinabi naman ni Mayor Violago sa kanyang mensahe na buo ang suportang ibinibigay niya sa kapulisan sa laban nito sa iligal na droga.

Para patunayan ito ay nagbibigay umano siya ng mga insentibo sa mga pulis tuwing makakahuli ng drug usher o pusher.

Nagbigay din uman siya ng ilang sasakyan para magamit na police patrol at mapabilis ang responde sa mga drug operations at mga computers.

Si Mayor Cipriano “Goto” Violago Jr., habang nagbibigay ng mensahe.

Nagpagawa din umano ang alkalde ng karagdagang building para sa lokal na kapulisan na pinondohan ng pamahalaang bayan ng San Rafael.

Tuloy pa rin umano ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaang bayan sa Bahay Pagbabago kung saan nakapagpatapos na umano ng 117 drug reformists at kasalukuyang may 24 katao pa ang sumasailalim sa pagbabago.

Binati naman ni Congresswoman Lorna C. Silverio at maging ni PDEA Regional Director Ismael Fajardo Jr., ang tulungang ipinapakita ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan sa pagsugpo ng iligal na droga sa bayan ng San Rafael.

Wala ring hinangad ang mga ito kundi ang makamit umano ng nabanggit na bayan ang pagiging malinis at ligtas sa salot na dulot ng iligal na droga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here