Antibodies: Hindi ‘immunity passport’

0
217
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MAY nabasa akong artikulo tungkol sa mga taong nakarekober o gumaling makaraang tamaan ng SARS-CoV-2 na kilala sa tawag na Covid-19. Totoo naman na maraming Covid patients ang gumaling at marami pa ring gumagaling hanggang sa kasalukuyan.

Salamat sa Diyos at bibigyan niya tayo ng mekanismo sa loob ng ating mga katawan na panlaban sa iba’t ibang uri ng karamdaman na sanhi ng impeksiyon na idinudulot ng viruses at kabilang sa mga ito ang killer coronavirus.

Ang mekanismong sinasabi ko na kaloob ng Diyos ay ang antibodies, ang likas na depensa ng ating mga katawan na tinatawag ding body immune system. Kapag malakas ang ating immune system, nagagawa nating labanan ang iba’t ibang uri ng sakit.

Itong SARS-CoV-2 sa kasalukuyan ay wala pang bakuna na ipinamamahagi sa bawat bansa bagama’t may mga tuklas nang gamot na isinasailalim sa maraming pagsubok o trials.

Mismong ang mga pasyente ng Covid-19 desease ang nagboluntaryo na iturok sa kanila ang tuklas na bakuna kontra Covid-19. Wala pa namang negatibong reaksiyon na nalathala tungkol sa artikulo na aking nabasa kaya hintayin natin ang positibong resulta ng tagumpay na ito ng siyensiya.

Ang mga pasyenteng gumaling sa Covid-19 desease ay mayroong strong antibodies at ito ang sumagip sa kanilang mga buhay sa panahong nananalasa sa kanilang mga katawan ang killer virus.

Pero ito ang malaking katanungan. Ang mga tao kayang nakarekober sa coronavirus desease ay maaari kayang tamaan muli ng SARS-CoV-2? Ang World Health Organization (WHO) ay nagpahayag sa isang artikulo na napalathala kamakailan na walang katiyakan na hindi na tatamaan ng coronavirus ang taong nagkasakit ng covid bagama’t mayroon siyang antibodies na nagpagaling sa kanya noong siya ay nagkasakit ng covid.

Babanggitin ko ang isang linya na bahagi ng artikulo na aking nabasa:”There is currently no evidence that people who have recovered from COVID-19 and have antibodies are protected from a second infection.” Samakatuwid, hindi maaari na maging ‘immunity passport’ ang antibodies.

Ito ang dapat na isaksak sa kukote ng mga taong matitigas ang ulo, lalo na ang tinatawag na asymptomatic. Huwag nilang ipagyabang na kayang labanan ng kanilang immune system ang mikrobyong covid. Baka nga minsanan lang ang biyayang kaligtasan na naidudulot ng antibodies. Baka sa pangalawang pagkakataon na tamaan sila ng Covid-19 ay hindi na magawa ng kanilang antibodies na sila ay isalba.

Alalahanin na maging ang mga magagaling na medical practitioner ay tinatamaan din ng COVID-19 at marami sa kanilang hanay ang nasawi. Sila pa kaya na karaniwang mamamayan lang. Pag-isipan po natin ito. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here