Apela ni Palparan, hindi kinatigan

0
127

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Ibinasura ng korte ang apela ng kampo ni dating Major General Jovito Palparan na irekonsidera ang hatol sa kanyang ‘guilty’ sa kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng mga University of the Philippines (UP) students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006.

Sa inilabas na deisisyon ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 na pirmado ni Judge Alexander Tamayo, nakita nilang walang hurisdiksyon ang motion for reconsideration ni Palparan para baligtarin o bawiin ang deisyson noong Setyembre 17, 2018.

Hinatulang guilty si Palparan kasama ang iba pang akusado na sina Lt. Col. Felipe Anotado, Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio at sinentensyahan ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 20 taon at 1 araw hanggang 40 taon.

Bukod dito, kailangan din nilang magbayad ng P100,000 para sa civil indemnity at P200,000 moral damages.

Source: Remate Online

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here