Home Showbiz Arci Muñoz, hiniwalayan ang BF dahil sa pagmamahal sa ina

Arci Muñoz, hiniwalayan ang BF dahil sa pagmamahal sa ina

106
0
SHARE

ISA si Arci Muñoz sa cast ng ‘Pamilya Ko’ ang bagong teleserye na ng ABS-CBN na ipalalabas sa September 9 (Monday).

Nang tanungin ng entertainment press ang actress hinggil kung ano ba ang pede niya i-sacrifice para sa kanyang pamilya.

Ani Arci, “Ang lovelife ko. I love my mom very much. She don’t like my boyfriend that’s why loveless ako ngayon.

“I know mother’s knows best . Kasi nga, ‘pag magulang ka, gusto mo talaga ‘yung best best best. I understand my mom. Always listen to your parents.”

Wala raw third party na namamagitan sa kanilang relasyon. Hindi pa lang daw siguro oras para maging couple sila ng Chinese boyfriend na si Anthony Ng.

Dugtong pa ng actress, “No, no. Nothing like that po. “It’s shallow… It’s just really… Maybe it’s not the right time.”

Hinggil sa ‘Kapamilya Ko,’ ayon kay Arci, hindi siya ang love interest ni JM de Guzman sa teleserye.

Pero, grateful daw siya dahil napasama siya sa napakagandang programa.

Saad ni Arci, “ mag-best friend po kami dito ni JM na in real life talaga naman pong magkaibigan kami. Whenever he’s down and have a problem tatakbo siya sa akin and I am her shoulder to cry on.

“Kung ano po ang pagiging best friend namin ni JM in real life ‘yun po ang lalabas sa aming dalawa.”

“Tandaan mo JM galing ako kay Piolo (Pascual) ha,” birong sabi ni Arci kay JM. (RONDA Balita Online)

SHARE
Previous articleMag-asawa patay sa pamamaril sa Malolos City
Next articleBulakenyos commemorate Gat Del Pilar’s 169th birth anniversary
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here