Home Showbiz Arjo Atayde umaming napapasaya siya ni Maine

Arjo Atayde umaming napapasaya siya ni Maine

127
0
SHARE

SA wakas umamin na si Arjo Atayde na exclusively dating na sila ng DubSmash Queen Maine Mendoza.

Nag-decide si Arjo na sabihin na ang buong katotohanan para raw matigil na ang mga haka-haka ng netizens.

Ayon kay Arjo masaya siya at kuntento na sa real score nila ni Maine sa ngayon.

“We are exclusively dating, and I’m the happiest right now,” lahad ng actor. Pahabol pa niya: “Hanggang doon na lang po muna.”

Ang unang nagustuhan daw niya kaya nagustuhan niya ang dalaga. Wala raw dull moments kapag napapanood niya na naghu-host sa Eat Bulaga si Maine. “Everything about Maine makes me happy.

“Everything. I’m just really happy. She makes me laugh all the time,” sambit pa ng anak ni Sylvia Sanchez.

Pero sa pag-amin ni Arjo sa real score ng relasyon nila ni Maine, maraming natanggap na komento ang mestisong actor – good and bad.

Kesyo nanggagamit lang daw siya dahil kasama siya sa teleserye ni Angel Locsin, ang The General’s Daughter plus movie, ang ‘Tol.

Pagtatanggol ng fan ni Arjo, hindi na niya kailangang manggagamit. Ang kailangan ay tanggapin ninyong mga fan ng Alden Richards at Maine na wala na talagang AlDub.

At bago pa raw pumasok sa buhay ni Arjo si Maine ay may mga project na ang actor. “He is known as a good actor. Hindi na niya kailangan pang mag-rely sa iba para lang umingay ang pangalan niya. Unlike sa iniidolo ninyo (Alden).”

May AlDub din na pinagtanggol si Maine at pinasasalamatan si Arjo dahil napapasaya raw nito ang kanilang idolo.

Panawagan niya sa AlDub fans “like me, accept it na guys and move on na. AlDub ay isang tambaln na nakaukit na sa pinilakang tabing ng mga Pinoy. Sa ngayon, e, suporthan natin kung san sila masaya. Ganun din kay Alden, kung san siya masaya ngayon be happy and support na lang. ‘Wag makialam sa desisyon nila sa buhay. It is not our f…… life.” (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleIwa at Pampi nagpa-acupuncture kay Jodi Sta. Maria
Next article3 of 5 fireworks blast victims succumb to burn injuries
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here