Home Showbiz Arjo hindi napigilang magalit sa mga ‘basher’ nila ni Maine

Arjo hindi napigilang magalit sa mga ‘basher’ nila ni Maine

103
0
SHARE

SA Tonight With Boy Abunda hindi napigilan ni Arjo Atayde na magsalita hinggil sa mga basher na umaalipusta ng pagmamahalan nila ni Maine Mendoza.

Very strong ang binitawang salita ni Arjo sa mga basher na hindi tumitigil ng pangungutya sa kanilang dalawa ni Maine.

Hindi napigilang magalit ng Kapamilya actor sa mga taong humuhusga ng pagmamahal sa Kapuso at EB host actress.

Kahit na inamin ng dalawa na they are dating each other, an AlDub fans ay hindi pa rin tumitigil ng magpo-post ng masasakit na salita laban sa actor.

Sinabi ni Arjo sa harap ni Kuya Boy na naapektuhan siya masasakit na komento ng netizens lalo pa at pati pamilya ay dinadamay na.

Sinbihan pa siyang user na ginagamit lang niya umano si Maine.

Ani Arjo: “I’ve been working for 7 years alone. I’m not in a love team. I’m in a totally different path. I’m in a totally different ball game. I don’t owe anyone explanation.

“It affects me pag family. Pero pag ako, come one, give me a break. That’s the best ‘hirit’ you can get? If you, guys, talk smack, what have you contributed in your industry?

“Kung hindi namin kaya ang ginagawa niyo, kaya niyo ba ang ginagawa namin? You, guys, can’t also. Parang these guys talk too much, it’s too painful for the people around me.”

Napansin ng TWBA host na namumula na sa galit ang bida sa Stranded (opening kahapon sa mga sinehan) kinumusta ni Kuya Boy ang unang pagbisita ni Arjo sa bahay nila Maine at kung ano ang kanyang suot.

Nangingiting sabi ni Arjo na hindi raw siya handa nu’ng time na ‘yun.

“That’s a funny kwento. [I wore] shorts and a polo and cap because I wasn’t prepared,” paglalahad ng actor.

Tinanong din si Arjo ni Kuya Boy kung kelan daw ba niya i-introduce si Maine sa kanyang pamilya.

“Soon,” ang mabilis na sagot ng mahusay na actor. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDating pulis na tumatakbong konsehal sa Legazpi City, itinumba
Next articlePia Wurtzbach willing mag-audition para sa Darna movie
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here