Home Taklesa Arko ng Bulacan, may lamat na at malapit ng bumigay

Arko ng Bulacan, may lamat na at malapit ng bumigay

102
0
SHARE

KUNG nadadaan kayo papunta at palabas ng Lungsod ng Malolos ay mapapansin ninyo ang isang arkong bato na nakatayo sakop Barangay Tikay sa pagitan ng Malolos at bayan ng Guiguinto.

Ang matandaong arkong bato na ito ang nagwe-welcome sa mga motoristang papasok sa Bulacan tulad ng arkong bato sa lalawigan ng Pampanga na nagiba dulot ng malakas na lindol na tumama sa naturang probinsiya kamakailan.

Ang naturang arkong bato ay may lamat na sa ilalim na bahagi nito at anumang sandali ay maaari ng bumagsak o magiba lalo’t may tumama uling malakas na lindol sa ating lalawigan.

Huwag na sana nating hintaying may masaktan pang mga inosenteng indibidwal kapag nagiba ang naturang arko.

Kaya tinatawagan ko ng pansin ang mga ahensiya ng gobyerno na may kapasidad at siyang nangangasiwa sa pagpapagawa ng mga imprastraktura na sana ay magawan na ng paraan at maayos na ang nabanggit na arko sa lalong madaling panahon.

Inaasahan natin ang aksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bulacan Provincial Government at ng City Government.

Aksyon naman mga kapatid!

*****

Binabati naman ng pitak na ito si Bulacan Provincial Director P/Col. Chito G. Bersaluna kasama ang kanyang mga chief of police sa 21 bayan at 3 lungsod na sakop ng lalawigan dahil sa naging payapa ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high schools sa
Bulacan nitong nakaraang Lunes.

May kabuuang 1,130 pulis ang ikinalat ng Bul PPO sa buong Bulacan para lang masiguro na walang masamang insidente na mangyayari at mabibigyan ng sapat na protkesyon ang mga guro at estudyante.

Naglagay din ng mga Police Assistance Desk (PADs) kada eskwelahan sa buong probinsiya upang may tumingin o umagapay sa mga nangangailangan ng tulong.

Kaugnay nito, umapela naman si Bersaluna sa mga Bulakenyo na manatiling mapagmatyag at alerto laban sa mga elementong kriminal na maaring magsamantala sa pagdagsa ng milyong mga estudyante sa mga paaralan.

Kabilang sa mga elementong kriminal ay ang mga tulak ng droga na posibleng mambiktima sa mga estudyante, snatchers, bag slashers, holdaper at mga mandurukot.

Saludo sa iyo si Taklesa PD Bersaluna.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleCong. Jonathan R. Sy-Alvarado, ‘The Rising Star of the Philippine Congress’
Next articleActor Guidicelli starts 30-day Scout Ranger training in Camp Tecson
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here