Home Katropa Rumoronda Armas, shabu lulan ng isang kotse, nakorner ng PNP

Armas, shabu lulan ng isang kotse, nakorner ng PNP

20
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAIDAOS ang Mahal na Araw sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ng matiwasay. Nasisiyahan ang ating mga nakakausap na maganda ang mga pamamaraan ng Administrasyong Robes sa pagmamantini ng maayos na kapaligiran, tuwing dumarating ang Araw ng Semana Santa. Bagamat mainit ang panahon, ang mga awtoridad ay mahusay na nagagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Tsk! Tsk! Tsk! Naiiba talaga ang kilatis ng mga Lider ng LSJDM, sa pangunguna ni Mayor Arturo Robes. VM Efren Bartolome, Jr., Congw Rida Robes at City Admin Dennis Booth. ARya San Josenio!

*****

Nitong nakaraang araw nakatanggap ang Katropa News Online (Facebook) ng ulat mula sa PARCNET MEDIA group, ayon sa ulat ay nakasakote ang mga Alagad ng Batas ng isang kotseng puno ng mga armas, ilang ‘sealed’ na pinaghihinalaang ‘Shabu.’

Batay sa impormasyon, hindi huminto ang sasakyang Hyundai Tucson, kulay itim, ng pahintuhin ito ng mga Awtoridad sa Checkpoint, Barangay Wakas, Bocaue, Bulacan. Bagkus ito ay tuloy-tuloy patungo sa bayan ng Balagtas. Agad naman nagsagawa ng agarang pagkilos ang mga pulis Bocaue, at kanilang inimpormahan ang Balagtas Philippine National Police (PNP) sa dagliang pagkaaresto ng mga suspek na kriminal, ng masukol ang mga ito sa Brgy Wawa, Balagtas.

SAGIP Partylist Congressman Rodante Marcoleta at ang kanyang pamilya ay malugod na sinalubong ng mga Opisyales at miyembro ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) at ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA,) sa Lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Marcoleta ay patuloy siyang kikilos at maglilingkod sa mga Senior Citizens, at walang ‘boundary’ ang kaniyang gagawing pagtulong, kung kinakailangan. Makikita sa larawan si Rep. Marcoleta (may Bulaklak) at ang mga Senior Citizens, sa pangunguna ng mga taga- Pandi Chapter sa Pangunguna ni G. Manny Resurreccion. Isinagawa sa Brgy Bulihan, Malolos City, kamakailan.

Ang tatlong suspek na hindi pinangalanan ay pinaghihinalaang mga holdaper ng Bangko. Ayon sa ‘info’ ang kanilang mga ‘target’ ay kliyente ng BDO, at sa Bayan ng Plaridel ay may nabiktima na sila. Ang kanilang operasyon ay kanilang isinasagawa sa buong bayan ng Bulacan.

Ang mga suspek ay nahulihan ng anim na ibat ibang uri ng baril, na pawang ‘loaded with magazine and ammunitions.’ Isang ‘rifle grenade’ at tatlong ‘small heat sealed plastic sachet’ na pinaghihinalaang ‘shabu.’ Ang mga suspek na pawang matitipuno at nasa hustong taong gulang ay nahaharap sa kasong ‘illeagal Possesion of FA, RA 9516 and Violation of Omnibus Election Code and RA 9165.

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat PARCNET MEDIA Patrol at purihin natin ang miyembro ng Bocaue PNP, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rizalino Andaya. Nabasa ko minsan sa ‘Facebook’ na nasa bayan ng Bocaue, ang isa pang magaling na pulis na si Police Major Manuel De Vera. Mabuhay po kayong lahat!

Narito po ang ating Email Address: Katropa2003@yahoo.com. Hanggang sa muli

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here