Home National News Artistang si ‘Bangkay’ nagbigti sa resort sa Quezon

Artistang si ‘Bangkay’ nagbigti sa resort sa Quezon

558
0
SHARE

PLARIDEL, Quezon — Nadiskubreng wala ng buhay at nakasabit sa kisame at may tali sa leeg ang komedyante na si alyas Rock n’ Roll o “Bangkay” at tunay na buhay ay si Jose De Andres, 72-anyos, at residente ng naturang lugar.

Natagpuan ang biktima bandang alas-3:45 ng umaga nu’ng Martes (Nov. 6) sa Tumagay Beach Resort sa Brgy. Tumagay sa nasabing bayan.

Ayon sa report ng Plaridel Municipal Police Station kay Quezon Police Provincial Director Police Senior Supt. Osmundo V. De Guzman na isang Larry Liwanag na caretaker sa nabanggit na resort ang nakakita sa katawan ng biktima na hinihinalang nagpakamatay at agad inireport sa mga kapulisan dakong 4:30 ng umaga ng parehong araw.

Inaalam ngayon ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng dating komedyante at kung may naganap na foul play sa nangyaring insidente. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleP3.4 milyon halaga ng shabu, timbog sa Pasay
Next article3 slain, 22 arrested in Bulacan anti-illegal drug ops
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here