Home News Report Asawa ng lider ng Ansar Khalifa Philippines na humihikayat sa mga foreign...

Asawa ng lider ng Ansar Khalifa Philippines na humihikayat sa mga foreign fighters, arestado!

308
0
SHARE

ARESTADO ang asawa ng militanteng lider ng Ansar Khalifa Philippines na nanghihikayat diumano ng mga foreign fighters at nagpapakalat ng mga propaganda na may kaugnayan sa pagkubkob sa Marawi City sa mga fighters na may koneksyon sa Islamic State group o ISIS.

Ang napatay na si Mohammad Jaafar Maguid, lider ng Ansar Khalifa Philippines.

Fourteen counts ng Inciting to Rebellion ang isinampa sa harap ng Department of Justice (DOJ) laban kay Karen Aizha Hamidon, na iniharap sa isang pulong pangbalitaan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Si Hamidon ay naaresto noong Oct. 11, na umaming siya umano ang asawa ni Mohammad Jaafar Maguid ng isang Islamic group na Ansar Khalifa Philippines na napatay sa isang police encounter sa Saranggani Province.

Maguid ay isang bomb maker na sinanay ni Malaysian terrorist Marwan na napatay naman sa Mamasapano operation sa Central Mindanao

Ayon kay Aguirre, “she gained international notoriety in the middle of 2016 when she successfully recruited several Indian nationals to come to the Philippines and join the radical Islamic extremist groups in Mindanao”.

Ang naarestong si Karen Aizha Hamidon habang dinadala ng operatiba ng NBI sa isang press conference.

Nung araw na naaresto ang nasabing biyuda, nakapag-post pa umano ito sa kanyang Telegram instant messaging app na nang-aakit ng mga Muslim na sumapi sa IS-linked militants na naglatag na lumusob sa Marawi.

“Base sa Forensic examinations sa kanyang cellphone,  296 posts na may parehas na mga message kung saan ipinagmamalaki nito ang naganap na rebelyon sa Marawi, ani National Bureau of Investigation.

Dagdag pa ng NBI, ang nahuling si Hamidon ay dati ring asawa ng Singaporean na si Muhammad Shamin Mohammed Sidek na nakadetine sa nasabing bansa dahil sa pagkakaugnay sa grupong IS.

Isinalin mula sa ulat ng Associated Press

 

SHARE
Previous article‘Ganti’ ng Maute, binabantayan ng NCRPO
Next articleEmpleyado ng Customs pabor sa lifestyle check
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here