Home News Report Asawa ni Omar Maute, nasakote sa Iligan City

Asawa ni Omar Maute, nasakote sa Iligan City

342
0
SHARE

NAHULI kamakalawa ng mga otoridad sa Iligan City ang asawa umano ng napaslang na ISIS commander na si Omar Maute.

Base sa ulat, kinilala ang nadakip na si Minhati Midrais kasama ang anim pang mga umano ni Maute na napatay sa pakikipagbakbakan sa militar nito lamang nakaraang buwan sa City of Marawi.

Sinalakay umano ng mga police commando ang isang bahay sa Brgy. Tubod kung saan naninirahan si Midrais.

Habang tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng Western Mindanao Command hinggil sa pagkakahuli sa asawani Maute.

May nakumpiska rin mga blasting caps na karaniwang kasama sa paggawa ng mga pampasabog.

Samantala, hindi pa matukoy ng pulisya kung miyembro ng ISIS si Midrais at kung paano itong nakapasok sa bansa.

Inaalam din ng pulisya kung may mga kasamahan ito na nagtatago sa Iligan o sa ibang bahagi ng Mindanao.

Kaugnay nito, lalong naghigpit ang otoridad sa Iligan City at nagdagdag pa ng mga checkpoints sa iba’t ibang lugar.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here