Home Uncategorized ASEAN Summit sasalubungin ng mga protesta, PNP nakahanda

ASEAN Summit sasalubungin ng mga protesta, PNP nakahanda

586
0
SHARE

ILANG araw na lamang ay isasagawa na ang pinakakaabangan na ASEAN SUMMIT 2017 sa bansa kung saan ay plantsado na ang contingency plan ng Philippine National Police (PNP) laban sa magsasagawa ng kilos protesta.

Ayon kay Security Task Force Operations Officer P/Chief Supt. Noel Baraceros, inaasahan na nito na magsasagawa ng kilos protesta ang ilang militanteng grupo na kritiko ng nasabing pagdiriwang.

Security Task Force Operations Officer P/Chief Supt. Noel Baraceros

Nabatid na bahagi ng security ng nasabing task force ng PNP naka-preposition na rin anila ang kanilang mobile CDM na siyang magbabantay sa mga raliyesta na magtatangkang manggulo o pumasok sa mga bawal na lugar.

Libu-libong mga Crowd Dispersal Management (CDM) team ang silang mangangalaga at nakatutok sa gaganaping evant gaya ng Manila Police District (MPD), Northern Police District (NPD) Southern Police District (EPD), Central Police District (CPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO).

Tiniyak naman at kasabay na rin ng pa-alaala ng pamunuan ng PNP sa mga miyembro ng CDM team ang pagpapatupad ng maximum tolerance,upang hindi humantong sa gulo o magkagirian sa pagitan ng mga pulis at raliyesta.

Tiniyak din ni Head Task Force na nakahanda ang kanilang grupo sa anuman o posibleng maganap na insidente dahil aniya sapat ang kanilang puwersa para tugunan ang mga ito.

Kaugnay nito, ilang puwersa ng PNP ng mga reinforcement ang dumating rin sa maynila mula sa tatlong rehiyon na silang makakadagdag upang magbigay ayuda sa mga tropa sa Metro Manila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here