Home Ronda Patrol Asec. Mocha Uson bumitaw na sa PCOO

Asec. Mocha Uson bumitaw na sa PCOO

43
0
SHARE

TULUYAN na ngang nagbitiw sa puwesto itong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa gitna ng deliberasyon sa budget hearing para sa PCOO ay nagdeklara ng kanyang resignation.

Itong si Uson ay matatandaan na sumailalim sa mga samu’t saring mga batikos ng mga kritiko ng Duterte administration dahil umano sa pagpapakalat ng fake news at ng kasuhan ito ni Senator Antonio Trillanes IV sa Ombudsman.

Sumunod ang eskandalo sa nangyaring malaswang pagbibigay nila ng impormasyon tungkol sa isinusulong na kampanya ng Presidente Duterte na Pederalismo ng kaibigan niyang si Drew Olivar sa kanilang blog na tinawag na tinawag nila “pepe-dede-ralismo” habang sumasayaw ang “baklang baliw” na si Olivar na puro sakit din ng ulo ang hatid sa kasalukuyang administrasyon.

Nagbabala pa si Uson sa kanyang mga kritiko at mga kumokontra na tinawag niyang makakaliwang kongresista na huwag umanong magkakamali na isipin na nanalo na umano sila.

Nagsakripisyo lamang umano siya para huwag ng ipitin ang budget ng kanilang ahensya o ng PCOO, patuloy umano siyang lalaban at magiging patas na ang labanan dahil siya ay ordinaryong tao at dadalhin niya sa Senado at Kongreso ang laban!

Hmmm… Tsk…tsk… hindi kaya taktika lamang ito ni Mocha dahil may balak siyang tumakbong senador sa 2019 elections? Kung tatakbo lang naman pala eh, hayaan na natin tumakbo kanya kanyang trip yan. hehehe.

Ang tanong lulusot kaya siya sa dami ng salto na inabot niya at ibinato sa kanya? Sana ay hindi siya maging sakit ng ulo sa Senado. Good luck na lang sa iyo kung dadalhin ka ng sambayanan.

*****

Sumbong ng Sambayanan sa Patrol ng Bayan original Facebook Page.

Alyas Nene at Balong ng Sitio Kapatiran, Brgy. San Isidro, Sitio Padilla Looban, Brgy. San Luis, Antipolo Rizal mga drug puhers marami na po lulong sa droga ng dahil sa mag inang ito. pls.dont publish my number …..attention. Rizal PNP..

Kailan po kaya aaksyon si Brgy. Chairman Crisol Cate Sr. ang talamak at laganap na mga iligal na pasugalan na ang mga itinataya ay iligal na droga dito po sa Sitio Padilla Looban, Brgy. San Luis, Antipolo Rizal…0948xxx….

Report ko lang po mga Kolorum na Van na nagteterminal sa may Pala-pala Dasmarinas Cavite hindi po nagbibigay ng discount sa mga Senior Citizen at mga estudyante…..0921613××××…..LTFRB….

Paki usapan po si Mayor Erap na aksyonan ang mga nagkalat na mga batang rugby boys sa Maynila delikado sa daan at mga pasahero…Mayor Erap aksyon at solusyon….0915××××

Sumbong, reaksyon, suhestiyon ipadala sa 09367113017 at Patrol ng Bayan Facebook Page.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here